Posas

Suspek nahulihan ng shabu, baril

December 15, 2023 Jojo C. Magsombol 479 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nadakma ng mga pulis ang drug suspek na may dalang shabu at mga baril sa Brgy. Santol, Balayan, Batangas noong Huwebes.

Inaresto bandang alas-12:30 ng hating-gabi ang suspek na si Jayben, ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Calabarzon Police Regional Office Director Police Brigadier General Paul
Kenneth T. Lucas.

Nahuli ang suspek sa pamumuno ng Balayan police nang magsagawa ng search operation sa kanyang tirahan.

Narekober ng mga tumimbog kay Jayben ang tatlong plastic na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 52 gramo at may halagang P353,600, dalawang timbangan, water pipe, aluminum foil at lighter.

Nakakumpiska din ang mga pulis ng isang cal. 9mm na may pitong bala, isang cal. 38, cal. 22 na may anim na bala at isang sirang baril na hindi pa alam kung anong kalibre.

AUTHOR PROFILE