Default Thumbnail

Suspek na tulak nalambat sa P250K shabu

January 25, 2025 Gil Aman 62 views

LAGLAG sa mga parak ang pinaghihinalaang tulak na may pag-iingat na mahigit P251,000 na halaga ng shabu sa Brgy. Wawa, Siniloan, Laguna noong Huwebes.

Ang suspek, si Alyas Badboy, naaresto dakong alas-9:30 ng gabi ng mga miyembro ng Municipal Drug Enforcement Team.

Kumpiskado sa suspek ang pitong plastic sachets na may lamang 37 gramo ng shabu at may standard price na P251,600.

Kasama rin nakumpiska ang isang 9mm pistol, 1 magazine ng 9mm at 3 bala.

AUTHOR PROFILE