Shabu Ang 14 na gramo ng shabu na nakumpiska sa arestadong suspek.

Suspek na tulak nalambat sa P100K na shabu

January 10, 2025 Gil Aman 88 views

KAMPO HENERAL Paciano Rizal–Aabot sa 14 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P100,000 ang nakumpiska sa isang drug suspek na natiklo sa buy-bust sa Sta. Cruz, Laguna noong Jan. 10

Ayon kay P/Col. Gauvin Unos, acting Laguna police director, naaresto ang suspek na si alyas Popo sa Brgy. Sto. Angel Norte dakong alas-12:30 ng hatinggabi

Nakumpiska sa suspek ang apat na sachets na puno ng ilegal na droga na may timbang na 14 gramo at nagkakahalaga ng humigit-kumulang P95,200, isang cellular phone at marked money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Cruz police ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002).

AUTHOR PROFILE