Susan

Susan mala-anghel pa rin ang kagandahan

May 24, 2022 Aster Amoyo 630 views

NASA Tokyo, Japan kami nang sumambulat sa social media ang tungkol sa pagpanaw ng Movie Queen at legendary actress na si Susan Roces (Jesusa Levy Sonora-Poe) nung nakaraang Biyernes ng gabi ng May 20, 2022 at ang sanhi ng kanyang ikinamatay ay ang cardiopulmonary arrest or cardiac arrest sa edad na 80. She would have been 81 sa kanyang kaarawan on July 28. May kinalaman din sa sakit sa puso ang ikinamatay ng mister ni Susan, ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. (Ronald Allan Kelley Poe) nung December 14, 2004 sa edad na 65. Ngayon ay magkasama na sa langit ang King and Queen of Philippines Movies na sina Susan at FPJ.

Up to the very end, napakaganda pa rin ni Susan kahit siya’y nasa loob ng kanyang kabaong na animo’y natutulog lamang.

Tandang-tanda namin ang description sa kanya ng yumaong veteran entertainment editor-columnist na si Ricky Lo (at isa sa malapit na kaibigan ng mag-asawang FPJ and Susan), he would describe the late Movie Queen as `the face that refreshes’ dahil sa mala-anghel nitong kagandahan.

Samantala, pagkalapag namin ng Ninoy International Airport nung nakaraang Lunes (May 23) ng hapon ay dumiretso kami ng Heritage Memorial Park in Taguig City to pay our last respect sa aming hinahangaang aktres, kaibigan at kumare.

Up to the very end, napakaganda pa rin ni Susan kahit siya’y nasa loob ng kanyang kabaong na animo’y natutulog lamang.

Tandang-tanda namin ang description sa kanya ng yumaong veteran entertainment editor-columnist na si Ricky Lo (at isa sa malapit na kaibigan ng mag-asawang FPJ and Susan) as `the face that refreshes’ dahil sa mala-anghel nitong kagandahan.

Inabutan namin doon ang kanyang manager na si Dolor Guevarra, ang magkapatid na Charo Santos at Malou Santos, talent manager Veanna Forres at iba pa habang napakahaba ng pila ng mga tagahanga ng yumaong movie queen na nagnanais na siya’y masilayan sa huling pagkakataon. Dahil dito, nag-desisyon ang pamilya ni Susan sa pangunguna ni Sen. Grace Poe-Llamanzares na i-extend ang wake up to Wednesday, May 25 (from 10 a.m. to 10 p.m.) habang ang burial ay mangyayari sa araw ng Huwebes, May 26 at siya’y ililibing katabi ng libingan ng kanyang mister na si FPJ sa Manila North Cemetery.

Marlene

Marlene1

Marlene sikat pa rin, may bagong karelasyon

SA kabila na very limited na araw lamang ang aming pananatili sa Tokyo, Japan, we made it a point na magkaroon ng oras para sa ilan naming malalapit na kaibigan doon tulad ng dating Filipina superstar sa Japan na si Marlene de la Pena or Marlele Lim, ang veteran singer-businessman na si Bobby Valle, ang concert producer at businesswoman na si Dona Louisa Onor (Luisa de Leon), ang kilalang Filipina actress sa Japan na si Ruby Moreno maging ang dating sexy actress na si Ramona Revilla. Ang American husband ni Ramona na na si Fred Farrell ay isang engineer na nagta-trabaho sa loob ng US Naval Base sa Yokosuka, Japan. Sa mga pangalang nabanggit, tanging si Ruby lamang ang hindi namin nakita dahil sa kanyang schedule sa regular day job in Tokyo.

Luisa treated us to a sumptuous lunch at the posh award-winning Italian restaurant, ang Armani Ristorante in Ginza, Tokyo. Halos lahat na ng mga flagship brands tulad ng Armani, Louis Vuitton, Bulgari, Chanel at iba pa ay hindi na lamang fashion brand kundi pinasok na rin nila ang food or restaurant business.

Si Luisa or Dona Louisa ay kilala sa Filipino community circle in Japan (particularly Tokyo where her business is based) . Siya rin ang kilalang producer ng top entertainers from the Philippines tulad nina Sarah Geronimo, Vice Ganda at marami pang iba.

Sa kabila ng kanyang busy schedule, nagkita kami over coffee/tea ni Marlene de la Pena (na mas kilala in Japan as Marlene Jazz) sa isang coffee shop ng isang hotel in Shibuya. Napag-alaman namin na meron siya ngayong bagong karelasyon, isang Japanese dentist who practiced his profession in Los Angeles, California for 30 years and a couple of years in Dubai and China before he relocated in Tokyo where he finally met Marlene through a common friend. His name is Bryan Watanabe, 70 years old, a divorcee and has three grown up professional children sa kanyang ex-wife.

The Filipina singer has two adopted children sa kanyang ex-American husband na si James Shiver na sumakabilang-buhay na rin nung 2019.

Walang idea si Dr. Wanatabe na isang kilalang personalidad sa Japan si Marlene when they first met.

Marlene went to Japan in 1978 and made it really big sa nasabing bansa in 1979 hanggang `90s and have recorded over 30 albums na ang iba rito were recorded in Los Angeles, California, USA in collabration with other international known artists including the popular American jazz fusion band from Hawaii, ang Seawind . Up to this day ay aktibo pa rin si Marlene sa kanyang singing career in Japan at itinuturing na rin siya bilang isang institusyon among the local artists sa nasabing bansa where she’s been based since the late `70s.

During her free time ay mahilig maglaro ng golf si Marlene.

Revilla

Revilla1

Dating sexy actress masaya ang buhay sa Japan

FILIPINA-Persian Mohsyl Ensafian-Farrell na mas kilala as Ramona Revilla, dating sexy actress is currently based in Yokosuka, Japan near the US Naval base kung saan nagta-trabaho ang kanyang American husband na isang private engineer na si Frederick Farrell. The couple got married in the U.S. and in the Philippines in 2010 at meron silang three beautiful triplets na sina Freohsyl, Fersiana at Frederie (8) na ipinagbuntis at isinilang ni Ramona via IVF or in vitro fertilization.

Ramona who was named after the late actor-senator Ramon Revilla, Sr., started her showbiz career in 1997 sa pamamagitan ng sexy movies. But she stopped her showbiz career when she met her husband now na si Fred in San Diego, California through the actress’ uncle.

Ayon kay Fred na matagal na ring na-embrace ang Filipino culture and values, it was `love at first sight’ for Ramona.

Matagal ding namirmihan ang mag-asawa and their kids sa San Diego, California where they used to have a house. Although Fred is a private professional, he was hired and assigned sa loob ng US Naval Base in Yokosuka, Japan pero sa labas sila ng base nakatira pero ang malaking bahay where they’re currenly staying including their utilitiy bills ay sagot ng American government. Sa loob din ng base nag-aaral ang kanilang triplets na sagot din ng US government. The rent alone for the four bedroom house costs $4,000 per month. Maging ang kanilang hospitalization sa loob ng US Naval Base ay libre bukod pa sa iba pa nilang privileges.

Masaya ang pagsasama ng mag-asawang Ramona at Fred kapiling ang kanilang 8-year-old triplets.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE