Default Thumbnail

Surigao del Norte niyugog ng 5.3 magnitude na lindol

June 8, 2021 Jun I. Legaspi 462 views

NIYUGYOG ng 5.3 magnitude na lindol ang Surigao del Norte Martes ng umaga, ayon sa Phil Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa monitoring center ng Philvocs, ang sentro ng lindol ay naitala sa may 68 kilometro ng hilagang silangan ng Burgos Surigao Del Norte.

Tectonic ang origin ng lindol, ayon sa Philvocs.

Dulot nito naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 4 sa Dapa, Surigao del Norte at Intensity 2 sa Palo, Leyte, – Surigao City; Abuyog, Leyte samantalang Intensity I sa Alangalang at Baybay, Leyte; Gingoog City at Misamis Oriental.

Wala pang ulat ng damage kaugnay ng naganap na paglindol pero inaasahan ang aftershocks.

AUTHOR PROFILE