tugade

Surigao Airport runway naayos na

June 1, 2022 Jun I. Legaspi 323 views

NOONG 2017, bugbog sa hagupit ng magnitude 6.7 na lindol ang Surigao Airport sa Surigao del Norte dahilan kung bakit naging limitado ang operasyon ng paliparan at naapektuhan ang bilang ng mga pasaherong naseserbisyuhan. Dagdag pa rito, inabandona rin ng naunang contractor ang rehabilitation works sa runway kaya na-terminate ang kontrata nito.

Upang maresolba ito, agarang kumuha ng bagong contractor ang Department of Transportation (DOTr), sa ilalim ng liderato ni Secretary Art Tugade, na nangakong ibabalik sa 1,400 meters ang operational length ng runway sa November 2019.

Noong Agosto 2019, nagsagawa ng site inspection ang DOTr, katuwang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), upang tiyaking sumusunod sa project timeline ang contractor.

Pagsapit ng Disyembre 2021, lubos namang hinagupit ng Typhoon Odette ang airport, kung saan agarang iniutos niTugade ang pagsasaayos nito.

Dahil sa aksyon ng DOTr at CAAP, at pakikipagtulungan ng bagong contractor, naisaayos ang nasirang runway ng Surigao Airport nang mas maaga pa kaysa sa November deadline. Nasa 1,400 meters na ang operational length nito, kaya naibalik na rin ang direct flights mula at papuntang Manila.

Kumpleto na rin ang rehabilitation ng Passenger Terminal Building (PTB) at Aerodrome Rescue and Fire Fighting (ARFF) Building ng paliparan, maging ang rehabilitasyon ng Pre-Departure Area nito.

Upang mas lalo pang mapaganda ang paliparan at makapagbigay ng mas ligtas, kumportable, at kumbinyenteng biyahe sa ating mga kababayan, magsasagawa pa ng karagdagang repainting works, tinting ng glass window, at partisyon sa PTB, kung saan nangako ang contractor na matatapos ito sa ika-3ng Hunyo 2022, kasabay ng delivery ng mga furniture para sa VIP Lounge ng paliparan.

Ang pagbangon at pagbabago sa Surigao Airport ay tiyak nang makapagbibigay ng mas maunlad na ekonomiya at komersyo sa lugar, at makapaghatid ng mas maraming oportunidad para sa ating mga kababayan.

AUTHOR PROFILE