Default Thumbnail

‘Supporter’ ni Janjalani, 2 pa sumuko sa Basilan

January 18, 2023 Zaida I. Delos Reyes 238 views

TATLO katao kabilang ang taga-suporta umano ni Abu Sayyaf Group (ASG) founding-leader Ustadz Absurajak Abubakar Janjalani ang sumuko sa mga awtoridad sa probinsya ng Basilan.

Ayon kay Col. Richard Verceles, operation chief ng Area Police Commans-Western Mindanao, si Momar Kuto Saluan, 47, tagasunod ni Janjalani ay sumuko dakong 8:00 ng umaga nitong Martes.

Binuo ni Janjalani, isang Afghan-trained jihadist ang ASG noong 1990 sa probinsya ng Basilan. Pangako ang grupo ang makabuo ng independent state sa Western Mindanao at Sulu Archipelago.

Si Janjalani ay napatay sa engkwentro sa pagitan ng mga pulis noong December 1998 sa Isabela City.

Napag-alaman na simula nang mamatay si Janjalani noong 1998 ay nagtago na rin si Saluan.

Isinuko ni Saluan ang isang garand rifle na may clip ng walong bala.

Ang pagsuko ni Saluan ay nabigyang daan sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng pulis at militar gayundin ng municipal government ng Maluso.

Si Saluan ay itinurn-over sa pangangalaga ng Ministry of the Interior and Local Government para sa kaukulang tulong ng gobyerno.

Kaugnay nito, dalawa pang miyembro nf ASG na nakilalang sina Rahman Hawari, 25 at HamudimTwnjung,21 ang sumuko dakong 3:00 ng hapon nitong Lunes sa mga tauhan ng Philippine Army’s 18th Infantry Battalion (IB).