Sunshine Larawan mula sa IG/Sunshine Cruz

Super sariwa kahit lampas kuwarenta

February 26, 2024 People's Tonight 89 views

PARANG walang tatlong anak ang 46-year-old singer-actress na si Sunshine Cruz sa taglay nitong kakinisan sa mga bagong larawan.

Sa isang Instagram post ng celebrity mom, ibinida niya ang ilang promotional pictures para sa isang brand.

Todo-flex si Sunshine sa kanyang makinis na katawan habang naka-underwear lang.

Grateful ang aktres na kinuha siyang ambassador ng underwear brand dahil isa raw ito sa kanyang mga pangarap.

“This opportunity means a lot to me and I am truly grateful for it. It’s like checking off one of my dreams from my bucket list,” sey ni Sunshine sa caption ng kanyang post.

Walang kupas ang sex appeal ni Sunshine dahil mukhang bata at sariwa pa rin siya at kaya pa ring makipagtalbugan sa mga bagong henerasyon ng sexy stars.

Nakakapatid pa rin ng uhaw ang taglay niyang kaseksihan.

Napa-comment pa nga ang ilang celebrity sa sexy photos ng celebrity mom: “Grabe ka Ate Shine!!!” komento ng aktres na si Shaira Diaz; “What’s next??” tanong naman ni Ruffa Gutierrez; “Grabe ateeeee shineeee,” hirit ni Dianne Medina.

AUTHOR PROFILE