Super lolo kakasuhan ng pamilya

November 15, 2021 Allan L. Encarnacion 87 views

Allan EncarnacionMAY isang alyas super lolo sa government department ang posibleng makasuhan ng abandonement ng pamilya.

Si lolo ay masyadong matikas ang dating kaya kahit sa official meeting ay kasama niya ang kanyang siyota na ka-holding hands pa man din. Parang sugar daddy lang na may ka-table sa Pegasus kahit nasa official function si lolo.

At kapag happy mood si lolo, may matching smooching pa sila ng 40 years old niyang apo este nobya kahit nasa harap ng mga empleyado or kamiting nila.

Liyebo sitenta na si official lolo kaya maraming nandidiri sa kanyang PDA habang nasa conference room ng ahensiya.

Wala namang problema ang umibig sa halos kalahati na ng iyong edad kaya lang, iyong iwanan mo ang pamilya at pabayaan na ang mga anak, aba’y ibang usapan na yan.

Ang balita natin, kakasuhan din sa korte at sa Ombudsman si opisyal na dating career official na matapos magretiro’t makakuha ng benepisyo, aba’y bumalik pa sa kanyang departamento as coterminous official.

Si lolo ay may tatlong anak at ang misis ay mukhang kaawa-awa na ngayon!

***

Masyado namang naniniwala ang iba sa gimik na ninakaw ang steel globe ng Mall of Asia gamit ng helicopter ala “Money heist.”

Para na lang din sa kaalaman ng mga hindi pa alam, ang pagpapalipad ng chopper ay hindi katulad ng kotse na basta mo lang mailalabas sa garahe.

Kailangan mo ng permit sa Air Traffic Office para makapagpalipad ng chopper na may flight manifest kung sinu-sino sakay, saan ang ruta at anong oras lilipad.

May mga drone din na kailangan ng permit sa ATO lalo na kapag mas mataas ang lipad sa air pathway ng mga airfcrafts.

Maging ang mga itinatayong building na skyscraper ay hinihingian ng permit sa ATO para matiyak na hindi dinadaanan ng landing at takeoff path ang tatayuan mo ng gusali.

allanpunglo@gmail.com