Snshine

Sunshine, walang affair na gustong i-forget

December 12, 2022 Vinia Vivar 210 views

Hindi pa handa si Sunshine Cruz na pag-usapan ang breakup nila ni Macky Mathay.

Ayon sa aktres sa virtual mediacon ng first Vivamax Original Movie niya na An Affair to Forget, mas gusto na lang muna niyang pag-usapan ang tungkol sa pelikula.

“I don’t want to talk about that anymore at saka, ‘di ba, sabi rito, bawal daw ang personal (questions)?” natatawa niyang katwiran.

“For now, I’m really not ready to talk about it. Kung ano man ang meron o wala. I just want to focus right now sa mga ginagawa ko talaga,” sey pa niya at iniba na ang topic.

“Kailangan, panoorin n’yo po itong pelikula. Napakagaling dito ni, of course, ng ating award-winning actor na si Allen Dizon, and si Angelica (Cervantes) and si Karl (Aquino), magagaling sila,” sey ni Sunshine na halatang umiwas na talagang pag-usapan si Macky.

Basta okay daw ang heart niya ngayon at happy naman daw siya dahil sa sunud-sunod na mga project na ginagawa niya.

Nang matanong naman kung meron ba siyang “an affair to forget” in real life o relasyong gusto na niyang kalimutan, ayon kay Sunshine, wala naman.

“Kasi lahat ng affair that I had, affair or lovelife, I learned a lot from it, ‘di ba? Ganu’n naman ‘yun, eh. Hindi man nag-work, meron tayong natututunan and it makes us a better person, it makes us stronger,” she said.

Samantala, aminado si Sunshine na nang tanggapin niya ang pelikula ay hindi niya alam na sa Vivamax ito ipalalabas.

Pero itinanggi niya na muntik na niyang hindi tanggapin ang movie when she learned about it.

“’Yung sa akin lang, if it’s from Vivamax or not, wala namang kaso sa akin kasi when I read the script, I fell in love kaagad,” paglilinaw niya.

“Trabaho is trabaho, it is a blessing and ako naman, malaki naman ang tiwala ko sa aking napakagaling na direktor na maiingatan ako.

“Of course, there are some things that I need to protect, lalo na tatlo na ‘yung mga anak ko na mga dalaga na,” patuloy niya.

Of course, may blessing naman daw ng mga anak niya ang paggawa niya ng pelikulang ito at sabay-sabay pa nilang panonoorin kapag ipinalabas na.

Isa pa raw factor kung bakit tinanggap ni Sunshine ang pelikula ay dahil si Louie Ignacio and direktor na first time niyang makakatrabaho.

In fairness, ang ganda ng trailer ng movie at abangan na lang kung hanggang saan ang daring scenes na ginawa ni Sunshine rito.

Available na sa Vivamax ang An Affair to Forget simula sa December 23.

AUTHOR PROFILE