Sunshine

Sunshine, umalma sa panlalait ng basher

March 18, 2022 Vinia Vivar 207 views

Inalmahan ni Sunshine Cruz ang panlalait ng isang basher na nagsabing katanda na niya pero parang teenager pang pumorma.

“Ewan, katanda na ang attire parang teenager,” ang saktong komento ng basher.

Hindi ito pinalampas ni Sunshine at magalang niya itong sinagot.

“Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age. Basta happy and confident go lang po! Walang bawal at masama,” depensa ni Shine.

Bukod dito ay nag-shoutout din siya sa kanyang Facebook account ng payo para sa mga kababaihan tungkol sa kasuotan at hindi raw dapat pairalin ang inggitan. Hindi raw dapat magkaroon ng inggitan among women.

“Ladies! Wear clothes that make you happy and feel pretty. That’s all that matters.

“‘WOMEN SHOULD EMPOWER EACH OTHER INSTEAD OF BEING SO HATEFUL, ENVIOUS OF ONE ANOTHER.’ Good afternoon everyone!” ang shout out ni Sunshine.

PINAHIHIRAPAN SA MAGPA-ANNUL

Tuloy na tuloy na ang pagpapa-annul ni Jill (Jodi Sta. Maria) ng kasal nila ng asawang si David (Zanjoe Marudo) sa The Broken Marriage Vow, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Kinonsulta na ni Jill ang kanyang abogado para siguraduhing hindi papalpak ang pakikipaghiwalay niya kay David.

Gusto ring manigurado ni Jill na mapupunta sa anak niyang si Gio (Zaijian Jaranilla) ang kanyang pera at walang maaangkin si David ni isang kusing.

Pero mukhang hindi magiging madali ang pagpapa-annul ni Jill. Pinapahirapan kasi ni David si Jill at nagmamatigas siyang siya dapat ang masusunod pagdating sa relasyon niya kay Gio.

Samantala, labis naman ang pagseselos ng kabit ni David na si Lexy (Sue Ramirez). Napapraning si Lexy dahil pakiramdam niyang ayaw pa rin bitawan ni David ang relasyon nito kay Jill.

Dahil dito, nagdadalawang-isip si Lexy kung tama nga bang tinalikuran niya ang kanyang mga magulang para kay David.

AUTHOR PROFILE