Sunshine hindi pa rin pwedeng pakasalan ni Macky

September 19, 2021 Aster Amoyo 676 views

MAY significance ang petsang September 18 sa 44-year-old singer-actress na si Sunshine Cruz dahil ito ang araw ng kanilang anniversary ng present partner na si Macky Mathay, half-brother ng close friend g singer-actress, entrepreneur na si Ara Mina.

It was on September 18, 2016 nang maging official na magkasintahan sina Sunshine at Macky. And they just celebrated their 5th anniversary last Saturday.

September 18, 2018 naman nang ma-grant ang annulment ng kasal ni Sunshine sa kanyang ex-husband, ang singer, actor, director at producer na si Cesar Montano kung kanino siya may tatlong grown-up daughters na sina Angelina, Cheska at Sam.

Tulad ni Sunshine, matagal na ring hiwalay si Macky sa kanyang ex-wife na si Rica Camille Farinas kung kanino rin siya may tatlong anak na sina Ro, Cole at Charlie.

Macky is very close sa tatlong daughters ni Sunshine kay Cesar gayundin si Sunshine sa tatlong anak ni Macky sa kanyang ex-wife.

Kung si Sunshine ay libre nang magpakasal muli, this is not the case ni Macky who is still waiting for the annulment ng kasal nila ng kanyang dating misis. Ito ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon sa kabila na limang taon na sila.

Sunshine was first married kay Cesar nung taong 2000 na tumangal ng 13 taon at sila’y nagkahiwalay nung 2013. Ang dalawa ay ikinasal nung September 14, 2000 sa Coconut Palace in Manila.

Samantala, kung smooth-sailing ang relasyon nina Sunshine at Macky, mukhang gayundin si Cesar, who turned 59 last August 1, sa kanyang present partner, ang non-showbiz na si Maria Socorro `Kath’ Angeles with whom may tatlo na umanong anak ang actor. May isa rin siyang anak sa dating beauty queen, ang 2009 Miss Philippines Earth na si Sandra Seifert na si Coco now 6 years old.

May 22-year-old son din si Cesar sa actress na si Teresa Loyzaga, ang young actor na si Diego Loyzaga.

InigoInigo matagal nakausap si Susan Sarabdon

IF there’s one thing na naungusan ng young singer-actor na si Inigo Pascual ang kanyang hunk actor dad na si Piolo Pascual ay ang makakuha ng Hollywood project.

Inigo who plays Ace Grayson in the series auditioned for the musical-drama series for Fox Entertainment, ang “Monarch” na mapapanood simula sa January 30, 2022. He even celebrated his 24th birthday last September 14 sa set ng “Monarch”where he had a long chat with the lead star of the series, ang award-winning actress na si Susan Sarandon (74). Susan plays the role of Dottie Cantrell Roman, the Queen of Country Music.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang kaisa-isang anak ni Piolo na kasama siya sa cast ng “Monarch” alongside Hollywood actors.

Ito ang biggest birthday gift na kanyang natanggap sa kanyang buhay.

LoviLovi hindi lang si Piolo ang gustong makasama

LOVI Poe was given a grand welcome sa Sunday musical show ng ABS-CBN, ang ‘ASAP’ last Sunday where she showcased her other talent – singing.

Tuwang-tuwang ang dalaga ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya hindi lamang ng Kapamilya bosses kundi ng ibang Kapamilya stars and talents.

Lovi will soon buckle down sa taping ng kanyang first TV series sa ABS-CBN, ang Filipino adaptation ng hit Korean TV series na “Flower of Evil” opposite Piolo Pascual who renewed his contract with the network last September 16.

Bukod sa kanyang first TV series sa ABS-CBN, may gagawin ding Hollywood movie si Lovi, ang “The Chelsea Cowboy” with British actors Alex Pettyfer and Poppy Delevigne.

Samantala, bukod kay Piolo, gusto rin ni Lovi na makatrabaho ang iba pang mga Kapamilya actors including Coco Martin, Gerald Anderson at JM de Guzman.

Si Lovi ang latest Kapuso to join the Kapamilya family. Nauna na sa kanya sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon. Ang iba pang mga mga transferees from GMA include couple Regine Velasquez and Ogie Alcasid, Angel Locsin, Paulo Avelino, JC de Vera, Iza Calzado, Patricia Daza, Enzo Pineda, Jake Cuenca, among others.

Polo RavalesPolo naranasan nang magpalit ng lampin

ISA nang ganap na ama ang 39-year-old actor na si Polo Ravales matapos isilang ng kanyang non-showbiz fiancée, ang fitness coach na si Paulyn Quiza ang kanilang unang baby na si Yatrick Paul Quiza Gruenberg (real family name ng actor) nung nakaraang September 5 (Sunday).

First time father ni Polo na agad nitong naranasan ang daddy duties kasama na rito ang pagpapalit ng pampers.

Ayon sa actor, ibang-iba umano ang kanyang pakiramdam ngayong isa na siyang ama.

Sina Polo at Paulyn got engaged since Christmas of 2018. The actor’s fiancée has another son, Tyler sa dati nitong karelasyon.

BBMBBM may mga inamin tungkol sa kanila ng misis na si Atty. Liza

SA aming recent interview with couple, former Sen. Bongbong Marcos and Atty. Liza Araneta-Marcos, inamin ng mag-asawa na malamang daw na hindi sila nagkatuluyan kung sa Pilipinas sila nagkakilala dahil sa political pressure. The couple met in New York City, USA in 1989. Anim na taong namalagi si Atty. Liza sa New York kung saan siya nagtrabaho sa isang law firm habang ang dating senador ay kumukuha ng kanyang master’s degree in Business Administration sa Wharton.

“When my mother (former First Lady Imelda Romualdez-Marcos) had her hearings in New York, we all moved there. My mga pagkakataoon na nagkikita kami doon ni Liza,” kuwento pa ni BBM.

Marami umano silang common friends ni Atty. Liza sa New York hanggang ma-develop umano ang attraction nila para sa isa’t isa.

“But it was not love at first sight,” sabay na pag-amin ng mag-asawa.

Dahil sa kaning common friends, madalas umano sa apartment Atty. Liza in New York ginaganap ang kanilang potluck get-together.

Nagbiro pa ang dating senador na napasagot umano niya ang kanyang misis dahil lamang sa beef tapa na siya umano ang gumawa at nag-luto.

Although nasa magkabilang fence sila, Atty. Liza being an Araneta na identified sa mga Aguino, nag-prevail ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa more than their color and political leanings.

The couple have been married of over 28 years and were blessed with three handsome and intelligent sons na sina Sandro, Simon and Vincent who are now professionals at may kani-kanya nang trabaho and live independently.

Subscribe, like and share #TicTALKwithAsterAmoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE