Sunshine2

Sunshine dinagsa ng pakikiramay

June 22, 2024 Vinia Vivar 226 views

Nagluluksa ang Viva sexy actress na si Sunshine Guimary dahil sa pagpanaw ng kanyang asawa.

Sa Instagram post ni Sunshine nitong June 20 ay makikita ang tatlong larawan na may caption na “see you soon babe.”

Ang dalawang litrato ay kuha mula sa bonggang wedding nila ng mister.

Ang ganda-ganda ni Sunshine wearing her white bridal gown at makikita ring ang saya-saya ng paligid na napapaligiran ng mga flower.

Pero sa pangatlong larawan ay makikita na si Sunshine na nakasuot ng itim at malungkot na nakaharap sa kabaong ng mister.

Sa comment section ay dumagsa naman ang pakikiramay ng netizens at kapwa celebrities tulad nina Alessandra de Rossi, Janno Gibbs, Chynna Ortaleza and Ryza Cenon, among others.

Napanood si Sunshine sa ilang Viva movies tulad ng Kaka, House Tour at Shoot! Shoot! ‘Di Ko Siya Titigilan.

Noong nakaraang taon ay pumanaw din ang ama ni Sunshine dahil sa leukemia at katatapos lamang nilang magbabang-luksa.

AUTHOR PROFILE