Sunog2 Ang mga nasunog na bahay sa Old Sta. Mesa, Maynila. Kuha ni JONJON C. REYES

Sunog sumiklab sa Tondo, Sta.Mesa, 1 patay, 6 sugatan

February 21, 2024 Jonjon Reyes 384 views

SunogSunog1SUMIKLAB ang sunog nitong Miyerkules sa isang residential area sa Damka St. ,Old Sta Mesa at sa Tondo, Maynila kung saan isa ang nasawi at anim ang nasugatan.

Isa ang nasawi at anim ang sugatan sa naganap na sunog sa bahagi ng Bgy. 598 sa Campa St. ,Old Sta Mesa, ayon sa ulat ng mga kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Bandang alas 9:45 a.m. nang sumiklab ang apoy mula sa isang bahay na gawa sa light materials. Umabot ang sunog sa ikatlong alarma bandang alas 10:54 a.m. Humigit-kumulang na 100 kabahayan ang nilamon ng apoy at tinatayang 300 pamilya ang naapektuhan.

Dalawang fire volunteer ang napaso habang tinatangkang apulahin ang naglalagablab na apoy habang dalawang lalaki at dalawanag babae ang nagtamo ng minor injuries.

Sa panayam kay Bgy. 598 Chairman Lito Linis hindi agad nakahingi ng tulong sa barangay ang nasunugan ng bahay dahil sinubukan pa nilang apulahin agad ang apoy na mabilis na kumalat.

Aniya dikit-dikit din ang mga kabahayan bukod pa sa maliliit ang eskinita at nasabayan pa ng malakas na hangin kaya maraming bahay ang nadamay.

Ayon kay Chairman Linis, kasalukuyang nanunuluyan ang mga nasunugan sa tatlong evacuation center sa nasabing barangay .

Sinabi ni Chairman Linis na nagsasagawa na sila ng household listing upang masiguro ang bilang ng mga nasunugan.

Hindi pa tuluyang idineklarang fireout at may nakaantabay pang mga bumbero. Hindi pa rin batid ang halaga ng naging pinsala sa sunog.

Samantala pasado ala una naman ng hapon ng may naganap na sunog sa Brgy 55 sa Fulion Perfecto St., Dagupan sabTondo. Dahil sa naging maagap ang mga pamatay sunog ay umabot lamang sa ikalawang alarma ang apoy. Pasado alas 2:20 p.m. ng ideklara ng BFP na under control na ang sunog.

Patuloy ang imbestigasyon at pag-apula sa usok. Inaalam din kung ano ang pinagmulan nito.

AUTHOR PROFILE