Fire Isang malawak at lumalagablab na apoy ang nagdulot ng sunog sa Fuguso St., sa may P. Guevarra St. malapit sa Central Market, Sta. Cruz, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

Sunog sa Sta. Cruz umabot sa 5th alarm

August 2, 2022 Jonjon Reyes 1342 views

SUMIKLAB ang sunog sa isang residential at commercial area at naitala sa ikalimang alarma (5th alarm) sa bahagi ng Fugoso Street na nasa likuran lang ng Central Market sa Sta. Cruz, Maynila, Martes ng hapon.

Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang 1:05 ng hapon nang magsimula ang sunog na agad iniakyat sa unang alarma.

Dakong pasado 1:35 naman nang ideklara ni Fire Senior Superintendent Crossbee Gumowang ang 5th alarm ang sunog na nangangailangan na ng tulong ng halos 20 firetrucks para rumesponde.

Dahil dito, nagtulong-tulong ang mga pamatay sunog ng BFP at kaanib ang mga fire volunteer sa iba’t-ibang lugar sa lungsod.

Dakong 2:30 ng hapon nang ideklarang “fire under control” ang sunog.

Kasalukuyang inaalam ng Arson Division kung kaninong bahay nagsimula ang sunog at ang kung ano ang pinagmulan nito.

Wala namang naiulat na namatay o nasaktan ayon sa ulat ng BFP.

AUTHOR PROFILE