
Sumpa ni Chito kay Neri: Hinding-hindi kita papabayaan
Matapos ang pagsubok na dumating sa buhay nilang mag-asawa kamakailan, muling humarap sa dambana sina Chito Miranda at Neri Naig para sa kanilang renewal of vows kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-10th wedding anniversary.
Ibinahagi ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram ang naganap na renewal of vows na dinaluhan ng kanilang pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.
Sa caption ni Chito ay sinabi niyang kahit medyo na-delay ang kanilang renewal of vows, ang importante ay natuloy pa rin.
“Sa wakas. Ok lang na medyo na-delay… ang importante, natuloy. Hindi naman tayo nagmamadali.
“I’m not going anywhere, at habambuhay naman tayo magsasama. Hinding-hindi kita papabayaan.
“Happy 10th anniversary, asawa ko.
“Tag team partners for life,” mensahe ni Chito sa kanyang misis.
Sa video na ipinost nila ay makikitang pareho silang naging emosyonal habang sinasabi ang kanilang wedding vows.
Ikinasal sina Neri at Chito noong December, 2014 sa Tagaytay at ngayon ay mayroon na silang tatlong anak –- sina Pia, Miggy at Cash, na may kanya-kanyang patisipasyon sa renewal of vows.