Kimje

‘Summer to the Max’ ng Vivamax, star-studded

April 27, 2022 Vinia Vivar 224 views

Vincent

Ang saya-saya ng atmosphere sa Vivamax “Summer to the Max” mediacon na ginanap last Tuesday. Star-studded ang affair na dinaluhan ng mga veteran and new talents ng Viva.

Umaapaw ang food and drinks at may pa-raffle pa for the entertainment press.

Dito ay in-unveil at inanunsyo ng Vivamax ang napakaraming upcoming movies and series. Masaya ang president at CEO ng Viva Films na si Vincent del Rosario sa success ng nasabing streaming platform at nagpapasalamat sa lahat ng subcribers at tumatangkilik ng kanilang mga pelikula.

Kabilang sa bagong titles sa Vivamax ang Ikaw Lang Ang Mahal (Kylie Verzosa, Zanjoe Marudo at Cara Gonzales), Babaylan (Jennifer Lee, Marco Gallo), Live Scream (Elijah Canlas, Kokoy de Santos), Adik Sa ‘Yo (Cindy Miranda, JM de Guzman), Seculmeyt (Kim Molina, Jerald Napoles), Baby Boy Baby Get (Heaven Peralejo, Kiko Estrada), Tondo Prince (Jerald Napoles) at Rooftop (Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz, Rhen Escaño, Marco Gallo, Andrew Muhlach).

Nasa Vivamax din ang pinakamaiinit na pelikula tulad ng Island Of Desire (Christine Bermas, Jela Cuenca, Sean de Guzman), lskandalo (Cindy Miranda, Ayanna Misola, Angela Morena, Sean de Guzman, AJ Raval), Kaliwaan (AJ Raval, Vince Rillon, Denise Esteban), Doblado (Denise Esteban, Josef Elizalde), Putahe (Ayanna Misola, Janelle Tee), Pusoy (Vince Rillon, Janelle Tee, Jela Cuenca, Angeli Khang), Breathe Again (Tony Labrusca, Ariella Arida, Jela Cuenca, Ivan Padila), High On Sex (Denise Esteban, Kat Dovey), Kity K7 (Rose Van Ginkel, Marco Gallo), Virgin Forest (Angeli Khang, Sid Lucero, Kat Dovey, Vince Rillon, Rob Guinto), Secrets (Janele Tee, Denise Esteban), Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili (Ayanna Misola), Mother’s Keeper (Angeli Khang, Jamilla Obispo, Marco Gumabao), Scorpio Nights 3 (Christine Bermas), Sitio Diablo (AJ Raval), Anna (Kylie Verzosa), Us X Hor (Ayanna Misola, Angeli Khang, Diego Loyzaga), Lampas Langit (Christine Bermas), Kara Krus (Rhen Escaño), at Itago Sa Dilim (Angeli Khang, Kylie Verzosa, Raymond Bagatsing).

Ang A-list stars ng Viva gaya nina Nadine Lustre sa kanyang first Vivamax Original Movie na Greed ay nasa Vivamax din. Kasama rin ang Philippine Cinema’s Queen of Hearts na si Bela Padila sa unang pelikulang siya ang nagsulat, nagdirek at nagbida, 366.

Kung loveteam naman ang pag-uusapan, nariyan sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa Habangbuhay at sina Sue Ramirez at Diego Loyzaga sa How to Love Mr Heartless.

Hindi rin magpapakabog si Vice Ganda sa kanyang bonggang debut sa Vivamax, ang Gandara The Explorer, ang travelogue adventure trip niya papunta sa Sagada.

Paparating na rin sa Vivamax ang remake ng isang comedy classic movie ng Tito, Vic & Joey, ang Working Boys, kung saan ipakikilala ang bagong henerasyon ng mga komedyante — sina Mikoy Morales, McCoy de Leon, Andrew Muhlach at Jerald Napoles.

Sa ngayon, ang Vivamax pa rin ang number one streaming platform sa Pilipinas na mayroon ng three million subscribers. At dahil nasa 41 territories na ito sa buong mundo, para na ring nanood ng sine sa Pilipinas ang ating mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng daigdig.

AUTHOR PROFILE