
Summer glow
IBA ang hatid na init ng television host na si Jackie Gonzaga sa kanyang latest post! Suot ang peach bikini na hapit na hapit, lalong lumutang ang kanyang kakinisan at umaapaw na kaseksihan habang nagtatampisaw sa dagat.
Dagdag pang romansa ang sea sunset sa likod niya—parang eksena sa pelikula na pangarap mong mapanood sa totoong buhay.
Agad namang nagliyab ang comment section matapos ibalandra ni Jackie ang kanyang summer glow na walang katulad.
Namataan namang todo fangirling sina Karylle, Loisa Andalio, at iba pa nitong kasama sa industriya.