Arianne Larawan: Arianne Bautista/IG

Summer blues

February 21, 2025 People's Tonight 150 views

NAGPASABOG ng init si Arianne Bautista sa Instagram matapos niyang ibalandra ang kanyang summer-ready na katawan sa isang blue bikini.

Sa kanyang resort getaway, nagningning ang kanyang kaseksihan habang nagpo-pose sa arawan—walang dudang pamatay ang kanyang aura, na may caption na: “Because summer is coming and I still have stock summer photos in my camera roll.”

Hindi napigilan ng netizens na mag-react sa kanyang abs na parang hinulma sa bato! Isang fan ang napasabi ng “Grabe the abs!” habang ang isa ay tila hindi kinaya ang init at napa-“Haaaay, yan na naman siyaaaa!” may kasamang on fire emojis.

Isa namang supporter ang hindi makapili sa dami ng nakakadalang shots at napa-“So many pics to choose from!”

AUTHOR PROFILE