SUEsugurin
PARANG ulam na masarsa ang inihaing patakam ng model-actress na si Sue Ramirez.
Maglalaway ang sangkalalakihan sa malapot na sex appeal ng ‘Jack and Jill sa Diamond Hills’ actress na nagmumula sa kanyang juicy body.
Sa Instagram nga ay talaga namang napa-swipe right ang netizens mula sa photo dump ni Sue para sa kanyang mga naging ganap.
“Traveling through my camera roll,” sey niya pa sa caption.
Marami man ang larawan sa post enjoy naman ang mga kelot na isa-isahin dahil mala-treasure hunting kung hanapin nila ang mga bikini photos niya.
Sa isang larawan, angat ang walang kupas na kaseksihan ni Sue sa suot niyang two-piece swimwear habang nasa beach.
Hindi nagdamot ang model-actress na magpakita ng kanyang patang malaman at juicy bum.
Proud sa pagpapakita ng kanyang stretch marks sa bandang wetpaks si Sue. Hindi naman pinalampas ng kanyang male fans ang pagzo-zoom in dito.
Noon pa man ay pantasya na ng mga kelot si Sue sa pagiging bombshell nito. Magpahanggang ngayon ay hindi patitinag ang mga ito.
Sa comment section nga ng nasabing post ay pinagkaguluhan ang ibinanderang hotness ng aktres. Bet na bet nilang ma-meet sa personal si Sue at masaksihan ang beauty nito ng malapitan.