Sue Larawan: Sue Ramirez/IG

Sue Ramirez happy-trip sa SoKor with jowa

December 7, 2023 People's Tonight 141 views

MASAYANG-MASAYA ang aktres na si Sue Ramirez sa kanyang trip sa Seoul South Korea kasama ang nobyo non-showbiz boyfriend nitong si Javi Benitez.

Sa Instagram post ng aktres, Miyerkules, Disyembre 6, sinabi niyang, “Gen Z selfie with the caricature drawing of ourselves that we had made at Insa-dong.”

“I love traveling with you!” dagdag pa ng “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” star kalakip ang larawan nila kung saan kuha sa isang paboritong pasyalan ng mga foreigner na tinatawag na Insa-dong Art Street sa nasabing bansa.

Bukod sa kilig na naramdaman ng netizens, napansin din nila ang caricature na hawak ng mag-jowa.

“Cute,” komento naman ng user sa post ng aktres. “Cheers to more travels together,” dagdag pa ng isa nilang taga-hanga.

AUTHOR PROFILE