Sue Ramirez

Sue, natural ang pagnanasa sa crush na si Zanjoe

January 16, 2022 Vinia Vivar 397 views

Proud at honored si Sue Ramirez na makapareha si Zanjoe Marudo sa upcoming Kapamilya series na The Broken Marriage Vow.

Matagal na niyang crush ang binata na una niyang nakasama sa Anna Liza noong nagsisimula pa lang siya.

Ngayon ay leading man na niya ito kaya naman sobrang happy ang aktres.

“Alam n’yo naman po, noon pa man, ang showbiz crush ko ay si Zanjoe. So, kung tatanungin n’yo po ako hanggang ngayon kung sino ang showbiz crush ko, hindi po nagbago ‘yun,” sabi ni Sue sa digital mediacon ng A Broken Marriage Vow.

Dagdag pa niya, “Napakatorpe ko pong klase ng tao. ’Pag crush ko po ang tao, natotorpe po talaga ‘ko at alam naman siguro ‘yan ni Z.”

Noon pa ay kuya na ang tawag niya kay Zanjoe pero sinabihan na raw siya ng aktor na huwag na siyang tawaging kuya.

“’Pag nakatalikod siya, kuya pa rin ang tawag ko sa kanya. Hindi mawala ‘yun. Of course, I’ve worked with him sa Anna Liza at kuya-kuya ko siya do’n. So, hindi nawala ‘yung respeto at ‘yung image na ‘yun for me.

“But kapagka kami lang ang nag-uusap, doon ko lang siya tinatawag na… (sa pangalan). Sabi niya sa akin, hindi ko na raw siya pwedeng maging crush kasi matanda na raw ako (sabay-tawa).

“Tapos, na-realize ko na ‘oo nga, 25 na nga ako, parang okay pa ba ‘to na happy-happy crush ‘yung sabi ko pero alam n’yo naman pong lahat na iba po ang paghanga ko talaga kay Zanjoe.

“And bata pa lang ako, hindi pa ako artista, siya na talaga ang showbiz crush ko. Kahit sabihin niya sa akin na bawal, wala na siyang magagawa,” sey ni Sue.

Ginagampanan ng aktres sa TBMV ang papel na Lexy Lucero, mistress ng karakter ni Zanjoe. At dahil nga crush niya si Z, hindi raw naging mahirap sa kanya ang i-desire ang aktor.

“Siyempre, may mga emosyon tayo na hindi natin pwedeng pigilan, guys. So, dahil crush ko si Z, kailangan kong i-channel ‘yung mga emotion ng kilig, ’di ba?” aniya.

“At nakatulong po talaga na crush ko siya kasi hindi na mahirap sa akin na i-desire siya,” dagdag pa ni Sue.

Mapapanood na ang kaabang-abang na pagganap ni Sue bilang si Lexy sa The Broken Marriage Vow sa Enero 22 sa iWantTFC, dalawang araw bago ito ipalabas sa TV.

Subaybayan ito simula sa Enero 24, 8:40 p.m., sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page at TFC.

Kasama rin sa cast ng The Broken Marriage Vow sina Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuña, Empress Schuck, Joem Bascon, Brent Manalo,

Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin, Lao Rodriguez, Jet Gaitan, Jie Anne Armero, Migs Almendras, Avery Clyde, at JB Agustin.

May special participation naman sina Susan Africa at Ronnie Lazaro.

Kinunan nang buo sa Baguio ang The Broken Marriage Vow sa direksyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.

Viva, P1 bilyon ang budget kada taon

Nasa 52 pelikula at series ang planong i-produce ng Viva Films sa taong 2022 para sa regular weekly release ng Vivamax Originals.

Nitong December ay may 15 nang natapos na pelikula ang produksyon na naka-schedule ang showing sa Q1 at may 40 greenlit projects naman na tuluy-tuloy na ang production.

Sa pagbubukas ng mga sinehan ay may walong pelikula na na magkakaroon ng theatrical release para sa pagbabalik ng classic viewing experience.

Tuluy-tuloy pa rin ang commitment ng Viva na magkaroon ng P1 billion production budget taun-taon kahit na may pandemya at patuloy pa rin ang pagsuporta nito sa mga tao sa industriya para mapasaya ang mga Pilipinong manonood.

Ang Vivamax ay ni-launch noon lamang January 29, 2021 at sa ngayon ay mayroon na itong mahigit 2 million subscribers at nananatiling top grossing Philippine entertainment app sa Google at GCash.

Inilabas ng Viva ang initial line-up ng mga pelikula at seryeng ipalalabas ngayong 2022 sa Vivamax at ilan sa mga ito ay ang Siklo, Hugas, Reroute, Lulu (eight parts), Deception, Silip sa Apoy, Kinsenas Katapusan, The Wife, The Exorsis, Boy Bastos, Island of Desire, The Last 5 Years, Sisid, Tatak Hydro, XDeal 2, Bahay Na Pula, Eskandalo, Scorpio Nights 3, Us X Her, Kunwari Mahal Kita, Kitty K-7 at 366.

Rhen at Rita

Rhen at Rita: Love knows no gender

SIGURADONG pupusuan ng LGBTQIAI+ community ang kauna-unahang girl to girl romance series na Lulu na pinagbibidahan ng advocate nitong si Rita Martinez katambal ang sexy actress na si Rhen Escaño.

Pakikiligin nga ang lahat ng bagong tambalang ito nina Rhen at Rita sa kwentong isinulat at dinirek ng Kita Kita box-office director na si Sigrid Andrea Bernardo at mapapanood sa Vivamax simula January 23.

Bilang Sophie, gugustuhin ng karakter ni Rhen na magpakalayu-layo dahil sa isang pumalpak na relasyon. Idi-deactivate niya maging ang kanyang social media accounts at magtutungo sa beach house na pag-aari at pinarerentahan ng kanilang pamilya sa AirBnB.

Pero, walang kamalay-malay si Sophie na darating sa buhay niya si Abi (Rita), isang seryosong over achiever na mapapadpad sa beach house na pinagtaguan niya.

Sa pagkikilalang iyon magsisimulang mahulog ang loob nina Sophie at Abi sa isa’t isa.

Pero, unti-unti rin silang magkakaproblema sa pagsulpot ng mga ex nila at sa paglabas ng mga lihim nila.

Sa digital mediacon ng GL series, sinabi ni Direk Sigrid na panahon na para mapanood naman ang ganitong klase ng istorya kahit pa nasa gitna tayo ng pandemya.

Matagal na umano niyang konsepto ang Lulu at laking pasasalamat niya sa Viva at kay Boss Vic del Rosario sa pagtitiwalang ibinigay sa materyal para sa wakas ay magkaroon ito ng platform.

Ayon pa sa kanya, wala namang kaso kung unang namayagpag sa limelight ang mga BL series. Pero panahon na nga para naman mabigyan ng pagkakataong makilala rin at mabigyan ng boses ang buhay at pagkatao ng mga lesbians o butch.

Sa pamamagitan ng serye, gusto ni Direk Sigrid na maipakita sa publiko na hindi lang puro issues ang mga tomboy, “Masayahin din kasi sila.”

Para naman kina Rhen at Rita, “love knows no gender” nga raw at dapat lang sigurong mamulat ang mga tao na walang masama sa pag-iibigan ng dalawang babae.

Samantala, may walong episodes ang Lulu na mapapanood tuwing Biyernes sa Vivamax.

Ngayon pa lang, pareho nang excited sina Rhen at Rita na makita ng mga tao ang pagmamahalan at lakas ng screen chemistry nila bilang Sophie at Abi.

AUTHOR PROFILE