Jodi

Sue, natakot batukan si Jodi

January 13, 2022 Vinia Vivar 231 views

Kung si Sue Ramirez ang masusunod, ayaw sana niyang gawin ang eksenang kinailangan niyang batukan si Jodi Santamaria sa seryeng The Broken Marriage Vow.

“I was really hesitant to do it,” kwento ni Sue sa kanyang solo digital mediacon.

“Kaya naman siguro naming i-acting na lang ni Ate Jodi, eh.

“Pero she told me na ‘Sue, gawin mo. Gawin mo talaga. Okay lang ako.’ And then, in-instruct niya pa ‘ko kung saang part sa head na medyo hindi sensitive.

“I was really scared! Ang liit kaya ng ulo ni ate Jodi kung alam n’yo lang. Ga-munggo po siya, guys,” natatawang sabi ni Sue.

Sobrang na-pressure raw siya talaga na gawin ang eksena.

“Alam mo ‘yun, konting pagkakamali, ulo ‘yun. So, ang laki ng pressure sa akin. Lokang-loka ako. Sabi ko, ‘batok talaga?’ Nakakaloka! Bawal ngang masasehin ‘yung batok, tapos mambabatok pa ‘ko, ano ba ‘yan?” sey niya.

Pero wala naman daw siyang choice kundi gawin ang eksena.

“Kailangan ko siyang gawin dahil ginawa siya sa lahat ng versions ng Dr. Foster so bongga ‘yung eksena na ‘yun. Kailangan crucial siya.”

Pero kahit tinutoo niya ang batok kay Jodi ay may alalay pa rin and talagang one take lang nila kinuha.

Ang The Broken Marriage Vow ang Pinoy remake ng hit Korean drama na The World of the Married or Dr. Foster.

Ginagampanan ni Sue ang role na “other woman” na si Lexi.

Bukod sa batok scene niya with Jodi ay matitindi rin ang intimate scenes ni Sue with Zanjoe Marudo na leading man nila ni Jodi.

Aminado si Sue na matagal na niyang crush si Zanjoe at hindi naman naging mahirap sa kanya na gawin ang mga love scenes nila dahil sobrang inalalayan daw siya ng aktor bukod pa nga sa may tiwala siya rito.

“Hindi ko naramdaman na kinailangan kong mailang dahil hindi niya ‘ko binigyan ng dahilan para maramdaman ko ‘yun,” she said.

Ipalalabas na ngayong Jan. 24 ang The Broken Marriage Vow sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page, iWantTFC and TFC.

AUTHOR PROFILE