NEPO

Sue at Barbie nang-slay sa pagbabalik-pelikula

August 3, 2024 Ian F. Fariñas 85 views

Literal na slay ang mapapanood niyo sa pagbabalik pelikula nina Sue Ramirez at Barbie Imperial kasama ang kanilang barkada. Panoorin ang grupo ng entitled rich kids na harapin ang bingit ng kamatayan sa “How To Slay A Nepo Baby,” na showing na sa mga sinehan ngayon.

Isang grupo ng mayamang magkakaibigan ang babyahe pa-norte papuntang Sagada para mag-celebrate ng work anniversary.

Sila sina Ada, ang “Queen Bee” at lider ng kanilang grupo; si J, isang influencer at boyfriend ni Ada; si Bella, isang model; ang kambal na sina Kel at Sho, na mula isang mayamang pamilya na may lahing Espanyol; at si Cass, ang pinakabagong miyembro ng kanilang grupo.

Spoiled rich kids sila na mataas ang tingin sa mga sarili kahit na lahat ay umaasa naman sa yaman ng kanilang mga magulang.

Mga “nepo baby” kung tawagin ng mga Gen Z sa panahon ngayon.

Plano nilang magkaroon ng isang careless, carefree, at wild na gabi at magpapakalunod at magpapakalasing sa alak at bisyo.

Pero nakabantay sa kanila si Yayo, kasambahay nina Cass, at pagbabawalan sila nito na gumawa ng kung anong kalokohan. Kakausapin naman nina Ada at Cass si Yayo sa pagiging kill joy nito, pero magiging matindi ang kanilang pagdidiskusyon at mauuwi sa kapahamakan ang buhay ni Yayo.

Laking gulat nina Ada at Cass nang makabalik sila sa kanilang mga kaibigan dahil nandito muli si Yayo, maayos, ni walang galos at parang walang nangyari.

Kukumbinsihin din ni Yayo ang grupo na magpunta sa liblib na lugar ng Lunti, isang tagong komunidad na pinamumunuan ng isang misteryosang babae na si Inayon.

Sasalubong sa magkakaibigan ang mga hindi pangkaraniwang tradisyon at pamumuhay dito, isang lugar na nababalot ng dilim at kababalaghan, at puno ng mga bagay na hindi basta-basta maipapaliwanag.

Sa tagal ng mapapalagi nila sa Lunti ay mas mapapalapit sila sa panganib at bawat segundo na nandoon sila ay parang isang bangungot na hindi kayang takasan.

Anong gagawin ng anim na magkakaibigan sa lugar kung saan walang silbi ang kanilang estado at yaman? Makaalis pa kaya sila ng Lunti, o ito na ang kanilang katapusan?

Mula sa Viva Films at Happy Infinite Productions, ang “How To Slay A Nepo Baby” ay pelikula ng FAMAS-nominated screenwriter at multi-awarded director na si Rod Marmol.

Bida rin dito sina Phi Palmos, JC Galano, Charm Aranton, Chaye Mogg, Sue Prado, NAIA Ching, Ralph Gomez, Phi Gomez at Coi Suazo.

Isang pelikulang siguradong nakamamatay panoorin, showing na ang “How To Slay A Nepo Baby” sa cinemas nationwide.

AUTHOR PROFILE