
Successful ang idinaos na 11th CAMI Clark Golf Cup
NAGING succesful ang ginanap na 11th Capampangan In Media Inc. (CAMI) Golf Cup sa Mimosa Golf Course sa loob ng Clark Freeport nitong nakalipas na Pebrero 28.
Ang Magsasakang Reporter at Host ng Masagananag Buhay TV show na si Mer Layson ang siyang nagsilbing Emcee ng palaro.
Kabilang sa mga nagwagi sa nasabing palaro si Alvin Bueventura ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Jericho Baculi ng 24-man delegation ng Bayanihan Sands (BS).
Sina Bueventura at Baculi ang naging “grand champions” nitong “annual” CAMI Clark Golf Cup.
Ang matagumpay na CAMI 11th Golf Cup isinagawa sa kooperasyon ng Clark Development Corp. (CDC) at Quest Plus Hotel.
Si Retired Major General Lina Castillo Sarmiento, vice-president ng CDC for Security Services; at Chairman Arsenio Valdes ng Juan Nepomuceno ang mga naguna sa ceremonial tee off.
Ang nangungunang “sponsors” ng nasabing pa-Golf Cup ng CAMI ay ang RASLAG Corp.– gold; Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) — gold; PCSO — gold, Meralco — gold at Quest Plus Conference Center Clark — gold.
Kabilang sa mga “major sponsors” ang GCash, Prime Water (main); Prime Water Angeles; Development Bank of the Philippines (DBP-main); CIGNAL; Pinoy Xtreme Channel; OUT of TOWN; TIPCO estates; Manila Water at Clark Water.\
Sponsor din sa palaro sina Mer Layson, Magsasakang Reporter; Masaganang Buhay TV program; Abelardo Cruz (ALC) productions; dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, AlphaSolar Corp.; local government units (Pampanga at Tarlac); Angeles City; Mabalacat City; at congressional district offices (first and second districts of Pampanga); at Creative Friends Enterprises.
Ang CAMI ay isang non-profit organization ng mga reputable mediamen na nakabase na Metro Manila at Metro Clark. Kabilang sina multi-awarded journalist Federico “Dick” Pascual; Nonnie Pelayo (Chairman Emeritus); Mario Garcia (Vice-Chairman); Victorio Vitug (President); Mer Layson (Vice-President-National); Robert Mananquil (Vice-President-Regional); Abel Cruz (Treasurer); Precy Cunanan (Corp. Secretary); Ric Sapnu (Auditor).
Ang mga CAMI Trustees ay sina Wilfredo Villarama; Wilfredo Capulong; Robert Mananquil: Joann Manabat; Ner Dayrit at Romeo Dizon.