Fishing

Strict monitoring, policies kailangan vs illegal fishing

June 11, 2024 Cory Martinez 201 views

KINAKAILANGAN pa ng strict monitoring at matatag na policies para mas malabanan ang banta ng illegal, unreported at unregulated (IUU) fishing sa bansa, ayon sa 2023 Philippine IUU Fishing Report.

Nakuha ang report mula sa Philippine IUU Fishing Index and Threat Assessment Toolkit (I-FIT).

Isang bungkos ng kagamitan ang I-FIT na ginagamit sa pag-assess, analyze at pagpaplano ng mga solusyon laban sa IUU fishing sa bansa.

Magkatuwang na binuo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng United States Agency for International Development (USAID) sa pamamagitan ng Fish Right Program ang I-FIT.

Ang paglalahad ng nasabing report isinagawa matapos na pagtibayin ng Department of Agriculture (DA)-BFAR at ng USAID ang pangako na labanan ang IUU sa bansa.

Sa naturang okasyon, pinasinayaan din ang bagong fishery law enforcement tool kung saan inaasahan na mapaigting pa ang pagsawata sa IUU sa bansa.

Kabilang sa mga dumalo sa event sina BFAR Officer-in-Charge (OIC) Director Isidro Velayo, Jr. at USAID Philippines Environment Office Deputy Director Thomas Kaluzny.

Pormal na rin pinasinayaan ang Fisheries Sharing Hub on Investigation, Enforcement, Litigation and Detection System (FishSHIELDS) na binuo ng BFAR at isa pang proyekto ng USAID project, ang Sustainable Interventions for Biodiversity, Oceans and Landscapes (SIBOL).

Ang FishSHIELDS ang magbibigay ng platform para sa operationalization ng enforcement response sa mga insidente hinggil sa IUU at mabibigyan din ang mga fishery law enforcers ng digital tool para masawata ang ilegal na aktibidad sa mga dagat sa bansa.

Dalawa lamang I-FIT at FishSHIELDS sa mga hanay ng matagumpay na resulta ng kolaborasyon sa pagitan ng DA-BFAR at ng USAID sa pamamagitan ng Fish Right and SIBOL Program nito.

Ayon kay Velayo, pinapalakas ng mga instrumento ang kapasidad ng pamahalaan na mabawasan ang banta ng illegal, unreported at unregulated fishing.

“Also, are presently mainstreaming their use in our regular operations, as well as other official development assistance such as the Philippine Fisheries and Coastal Resiliency Project or the FishCoRe,” ani Velayo.

“USAID is proud to stand shoulder-to-shoulder with the Philippine government in the fight against IUU fishing.

Together, we are committed to fostering a future where our oceans are vibrant and teeming with life, supporting not only the environment but also the economic well-being of the people,” ayon kay Kaluzny.

AUTHOR PROFILE