Stell1

Stell nag-solo sa ‘Room’

June 18, 2024 Ian F. Fariñas 214 views

NAG-LAUNCH na rin ng solo single ang SB19 member na si Stell Ajero kung saan nakatulong niya ang mga kagrupong sina Pablo, Josh, Ken at Justin.

Pinamagatang Room, ang nasabing funk-filled pop debut single ng 29-year-old soulful singer ay ni-release ng Warner Music Philippines sa pakikipagtulungan ng 1Z Entertainment, management team ng SB19.

Sa katatapos na launch sa Teatrino sa Promenade, Greenhills, sinabi ni Stell na napapanahon na para gumawa siya ng solo project.

“At first, I didn’t think I could do a solo project and I’m very thankful to my fellow SB19 members. Pablo wrote the song and his brother Josue co-produced, Justin directed the music video, and Josh and Ken made significant contributions along the process. I felt their full support,” kwento ng P-pop sensation.

Kasabay nga ng single release ang paglabas din ng music video na unang napanood sa YouTube channel ni Stell.

“We are excited to be on this journey with Stell, an artist whose drive to excel inspires many. I’m confident that we can closely develop his personal sound and style for his upcoming music, and we look forward to Stell leaving his mark on the industry,” saad ni Sarah Ismail, managing director ng Warner Music Philippines.

Ngayon pa lamang, punumpuno na ang kalendaryo ng singer para sa kaliwa’t kanang promo activity ng Room, kabilang na ang kanyang performance kagabi sa Hitman David Foster and Friends Asia Tour 2024 concert sa Araneta Coliseum.

Susundan ito ng isang North American tour sa US at Canada mula June 22 hanggang 30, kung saan magiging parte si Stell ng MilEStone Tour ni Erik Santos.

Magkakaroon din siya ng live guesting sa Wish Bus USA sa July 1 at two-night back-to-back concert, Ang Ating Tinig, kasama ang Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa July 27 at 28.

Sa Agosto naman nakatakdang ilabas ang EP album ng singer.

Ani Stell, “At this stage of my life and career, I hope to continue releasing music that aligns with my true worth as an artist.”

Dahil sa sobrang ka-busy-han, natanong si Stell kung ano ang pinaka-nami-miss niyang gawin at ito raw ay, “Hindi na po ako nakakapag-mall with family.”

Ayon sa kanya, paborito pa naman nila itong gawin pero ngayon nga, ni kumain sa labas o kaya’y manood ng sine kasama ang SB19, hindi na nila magawa.

“Pero hindi naman po kami nagrereklamo, hahaha! Ganu’n po talaga,” bawi ni Stell.

Maging ang A&R director ng Warner Music Philippines na si Kelley Mangahas, naniniwala na malayo pa ang mararating ng talentong tulad ni Stell.

Aniya, “Stell’s talent is undeniable. He is a true star — a top-class singer, brilliant dancer and charismatic host with a magnetic presence that naturally endears people to him. As he embarks on this personal musical journey, we at Warner Music Philippines are committed to helping him grow as an artist and open doors for him both locally and internationally. We are truly excited to partner with Stell and cannot wait to get started.”

AUTHOR PROFILE