Stage fright, problema ni Maine
Aminado si Maine Mendoza na hanggang ngayon ay may stage fright pa rin siya kahit na ilang taon na siyang artista at daily host ng Eat Bulaga.
“Kahit everyday na kami nagbu-Bulaga, everytime na mag-step ako sa stage, talagang hindi pa rin nawawala ’yung kaba. Parang first time siya ulit sa akin and parang hindi ko alam kung pa’no ’yun gawin,” ani Maine sa virtual mediacon ng bago niyang show sa TV5, ang reality talent show na PoPinoy kung saan ay sila ni Paolo Ballesteros ang magsisilbing hosts.
Dagdag pa niya, “Pero siguro, it depends on the people you’re working with, parang they’re making the setting comfortable for you. Du’n mo na rin nalalabas and du’n na rin slowly na nagagawa mo ’yung trabaho mo.”
Aminado rin siyang during the said presscon ay kinakabahan siya at mukhang matatagalan pa raw bago mawala ang kanyang stage fright.
“So, ayun, hindi siya talaga mawawala for me. It takes time. Ngayon kinakabahan ako (sabay-tawa). Sobra talaga siya. Hanggang ngayon, problem siya sa akin. Hindi ko alam kung paano i-handle ’yung kaba kapag nasa stage, pero parang nagagawa ko naman, parang I’m getting by,” she said.
Meanwhile, to help mount PoPinoy, TV5 is teaming up with telco brand TNT, which has been known for championing local talent and Pinoy pride.
“Through our partnership with TV5, we aim to give our talented artists a platform to shine and fulfill their dreams while celebrating our original and rapidly-evolving Pinoy Pop music,” ani Jane Basas, SVP and head of Consumer Wireless Business at Smart. TNT will also launch its online show, TNT POP Show, hosted by Darren Espanto, which will feature exclusive PoPinoy content such as behind-the-scenes, interesting stories by aspirants and fun games, among others.
Makakasama naman nina Paolo at Maine ang PoPinoy Headhunters na sina Kayla Rivera, DJ Loonyo, Jay R at Maja Salvador.
Mapapanood ang primer ng PoPinoy sa June 6, Sunday, 8 p.m., sa TV5 at ang premiere naman nito ay sa June 13, Sunday, 7 p.m.
Iere rin ito Colours on Cignal ch. 202 HD and 60 SD on Sundays, 9:30 p.m.
Binoe sa ‘swab’ bashers: ’Wag masyadong pa-cute
Sinagot ni Robin Padilla ang mga bumatikos sa kanya sa pagsasagawa ng swab test sa sarili kamakailan.
Matatandaang recently ay nag-post ng video si Binoe kung saan ay makikitang siya na ang nag-swab sa sarili matapos mainip sa nurse na hindi pa dumarating.
Inulan ng bashing si Binoe dahil dito at sinabing hindi raw recommended sa mga hindi health professionals ang mag-swab dahil maaaring magkamali at hindi maging accurate ang resulta.
Sa kanyang Instagram post kahapon ay sumagot si Binoe sa mga basher at ipinaliwanag na alam niyang mag-swab sa sarili.
“Kung hindi mo po kayang gawin mag isa wag mo po gawin walang pumipilit po sa inyo. Gawain po ito ng mga sanay na sa testing at magbanat ng mga Buto, lalo kapag kailangan makisalamuha sa mga katrabaho lalong lalo sa gitna ng karagatan,” simula ni Binoe.
Hindi raw siya pa-baby at hindi palaasa.
“Tanggapin niyo man po o hindi sadyang may mga taong katulad namin na hindi pa baby, hindi aasa na Lang sa magaganap! Ang lahat ng paraan ay gagawin ng isang mandaragat para makapagpatuloy na makapaglayag,” aniya.
Dagdag pa niya ay thrice a week siya magpa-swab test kaya natuto na rin daw siya.
“Kung meron nurse o doctora abay napakaganda pati sa tanawin pero kung wala at sanay ka ng katulad po namin dahil sa isang linggo ay 3 beses po naming ginagawa ang swab test eh MANHID na Lang ang butas ng Ilong ng Taong hindi po matuto,” pangangatwiran ni Binoe.
Sa huli ay nangaral ang action star sa mga kababayan na huwag masyadong pa-cute.
“Kaya hindi tayo umaasenso mga kabayani. Malakas ang loob natin sa katarantaduhan at kawalanghiyaan pero kapag sa kapakanan ng sarili at ng mga kasama sa Paligid mo ang dami natin NGAW NGAW kesa sa gawa. Konting balls lang naman po ang kailangan mga TOL. 2 taon na po ang covid kung wala ka pa rin natutunan lalo ang mag test sa sarili mo kung walang available na health frontliner sa lugar mo abay masyado ka ng nagpacute,” mensahe ni Binoe.