Tingog SPEAKER, TINGOG NAMAHAGI – Welding kits para sa 80 scholars upang sila’y magkaroon ng oportunidad na kumita alinsunod sa Special Training for Employment Program (STEP).

Speaker Romualdez, Tingog Partylist namigay ng welding kits sa scholars

June 19, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 192 views

NAMIGAY ng welding kits sa may 80 scholars nitong Martes ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda K. Romualdez at Rep. Jude Acidre.

Sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), 60 scholars mula sa School of Saint Anthony at 20 scholars mula sa Xavier Technical Training Center Corp. ang nabigyan ng welding kit para sila ay magkaroon ng oportunidad na kumita alinsunod sa Special Training for Employment Program (STEP).

Ang pamimigay ng welding kit ay isang patunay ng pagiging seryoso ng Tingog Party-list na matulungan ang mga Pilipinong nangangailangan, upang bumuti ang kanilang kalagayan at makatulong sa pagpapaunlad ng bansa.

Ang distribution program ay dinaluhan nina TESDA Quezon City representative Jerome Ignacio at kinatawan ng Tingog Party-list na si Denise Geonzon.

Dumalo rin sa pagtitipon si Miesha Training Academy President April Nueda para sa distribution program sa School of Saint Anthony at si School Administrator Danica Magat para naman sa Xavier Training Center Corp.

Ang STEP ay isang community-based training initiative na naglalayong tulungan ang publiko na magkaroon ng skills na kanilang magagamit sa pagtatrabaho o pagnenegosyo.

AUTHOR PROFILE