Martin

SPEAKER ROMUALDEZ: SALAMAT PHILHEALTH!

June 24, 2024 People's Tonight 113 views

SFMR: Mas mataas na dialysis assistance malaking tulong sa mga pasyente

PINASALAMATAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Lunes sina Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr. at Health Secretary Teodoro Herbosa sa pag-apruba sa pagtataas ng financial assistance sa mga dialysis patient.

Ayon sa lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan, malaking tulong ang pagtataas ng benepisyong ibinibigay ng PhilHealth sa mahigit 1 milyong Pilipino na nagpapa-dialysis.

Mula sa P2,600 ay itinaas sa P4,000 ang sasagutin ng PhilHealth sa dialysis.

Ang pagtataas na ito, ayon kay Speaker Romualdez, ay malaking tulong sa mga pasyente at kanilang pamilya.

“With the increased assistance, they will no longer have to augment the amount they spend for this procedure, even in private health facilities,” ani Speaker Romualdez.

Ang pagtataas ay suporta umano sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at layunin ng Universal Health Care Law na matulungan ang mga mahihirap na pamilya na makapagpagamot ng libre.

Ipinunto naman ni Speaker Romualdez na ang dialysis ay hindi gamit kundi paraan lamang upang humaba ang buhay ng isang mayroong sakit sa kidney.

“We appeal to concerned patients to have these basic ailments checked and treated, like diabetes and hypertension, before they lead to kidney problems that require dialysis. They can of course avail themselves of PhilHealth benefit packages for these illnesses,” giit ni Speaker Romualdez.

Nagpahayag naman ng pag-asa ang lider ng Kamara na aaprubahan din ng PhilHealth ang pagbibigay ng iba pang libreng health service na hinihiling nito at ng iba pang kongresista gaya ng laboratory test at mammogram.

AUTHOR PROFILE