Speaker Romualdez sa mga atletang Pinoy: Kayo ang aming mga bayani
KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez bilang mga bayani ang mga atletang Pilipino na lumahok sa katatapos na 2024 Paris Summer Olympics.
Kasabay nito ay iginawad ni Speaker Romualdez ang Congressional Medal of Excellence (na pinagtibay bilang Resolution No. 233) kay Carlos Yulo, ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa gymnastics competition.
Iginawad din ng lider ng Kamara ang Congressional Medal of Distinction (na pinagtibay bilang Resolution Nos. 239 at 240, ayon sa pagkakasunod) kina Nesthy Petecio at Aira Villegas, na parehong nakakuha ng bronze medal sa mga boxing event. Si Villegas ay kababayan ni Speaker Romualdez na mula sa Tacloban City.
Ang Congressional Medal of Excellence ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Kamara sa mga natatanging Pilipino sa larangan ng isports, negosyo, medisina, agham, sining, at kultura.
Pinagtibay din ng Kamara ang Resolution No. 241 upang parangalan ang lahat ng atletang Pilipino at ang buong delegasyon ng Pilipinas na lumahok sa katatapos na Olympics.
“Kami po dito sa House of the Representatives, House of the People are honored by your victories and by your achievements. We want to thank every one of you. Of course, the coaches and the family that all supported you, for you have made these all possible,” ani Speaker Romualdez sa kaniyang talumpati.
“We want to take this brief but most memorable opportunity to recognize your achievements in the sports community. You are now what they call the shining beacon. Kayo po ang nagiging ehemplo sa taong-bayan. Sa lahat ng kakayanan ng Pilipinas, ito po ang resulta na kapag nagsama-sama talaga tayo, we can achieve everything. Iyun po ang mensahe ng ating mahal na Presidente kagabi, kaya po kami dito sa Kongreso, we join him in celebrating your victory, recognizing your sacrifices, and recognizing your hard work,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Ang 22 atleta na kumatawan sa Pilipinas sa katatapos na kompetisyon ay kabilang nina Yulo, Aleah Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar para sa artistic gymnastics; Villegas, Petecio, Hergie Bacyadan, Carlo Paalam, at Eumir Marcial sa boxing; Ernest John Obiena, John Cabang-Tolentino at Lauren Hoffman para athletics; Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza and Elreen Ann Ando sa weightlifting; Joanie Delgaco sa rowing; Samantha Catantan para fencing; Kayla Sanchez at Jarod Hatch para sa swimming; Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina para golf; at Kiyomi Watanabe sa judo.
Ang mga atleta at ang buong delegasyon ay binigyan ng heroes’ welcome sa Mababang Kapulungan nitong Miyerkoles.
Kasama ni Speaker Romualdez, sina Tingog Rep. Yedda K. Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose Mannix “M. Dalipe, Isabela Rep. Michael Carlos Faustino Dy III, at House Secretary General Reginald “Reggie” S. Velasco ang paggawad ng insentibo at pagkilala sa lahat ng mga atleta at coaches na dumalo sa event.
Si Yulo ay tumanggap ng P6 milyon mula sa Kamara para sa kaniyang nasungkit na dalawang medalyang ginto at karagdagang P8.010 milyon na mula sa kontribusyon ng mga kinatawan ng Kamara na pinangungunahan nina Speaker Romualdez, Rep. Yedda Romualdez, House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, Gonzales, Dalipe, at Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez.
Ang halagang ito ay bukod pa sa P500,000 na natanggap ni Yulo bago umalis patungong Paris Olympics. Sa kabuuan ay umaabot ang naibigay ng Kamara kay Yulo sa P14.510 milyon.
Habang sina Petecio at Villegas ay nakatanggap naman ng tig-1 milyon para sa kanilang bronze medal at karagdagang P2.5 milyon bawat isa mula sa kontribusyon ng mga mambabatas. Sila ay nakatanggap din ng P500,000 bago tumulak patungong Pransya, o kabuuang P4 milyon bawat isa.
Habang ang nalalabing 19 Olympic athletes ay nakatanggap naman ng tig-P500,000. Sila ay nakatanggap din ng P500,000 bago ang Olympics.
“We recognize that the journey to Olympic glory is paved with countless hours of training, sacrifices, and moments of doubt. But you persevered. You kept your eyes on bringing pride and glory, and your hearts filled with the hopes of our people. And for that, you have become more than just athletes; you are our heroes,” ayon kay Speaker Romualdez.
“As we confer these Congressional Medals and recognition upon you today, know that this honor is not just for your extraordinary feats in Paris, but for the inspiration you have given to every Filipino—young and old. You have shown us that with determination and unity, there is no limit to what we can achieve,” dagdag pa nito.
Noong nakaraang linggo, pinagtibay ng Kamara ang House Resolution (HR) No. 1864, sa pinagsama-samang resolusyon upang ipagkaloob kay Yulo ang Congressional Medal of Excellence.
Ipinagkaloob din ng Kamara ang Congressional Medal of Distinction kay Petecio, na nanalo ng bronze sa 57-kilogram boxing event, at kay Villegas, na nanalo ng bronze sa 50-kilogram boxing competition.
Noong Lunes, isinabatas ng Mababang Kapulungan ang HR No. 1915 na pinagsama sa HR Nos. 1901, 1905, 1906, 1911, at 1914, upang ipagkaloob kay Petecio ang Congressional Medal of Distinction. Samantalang si Villegas naman ay binigyan ng parehong parangal sa pamamagitan ng HR No. 1916, sa pinagsang HR Nos. 1889, 1891, 1895, 1896, 1898, 1909, at 1913.
Pinagtibay din ang HR No. 1917 na naglalayong parangalan ang lahat ng atletang Pilipino na lumahok sa nakaraang Olympics, kung saan isinama ang HR No. 1887.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga congressional awards at ang mga medalya na napanalunan ng mga atleta ay “isang paalala rin ng sama-samang pagsisikap sa likod ng inyong tagumpay—ang inyong mga coach, pamilya, mga kaibigan, at ang buong bansa na sumuporta sa inyo sa bawat hakbang, bawat talon, bawat pagsisid, at bawat pag-angat.”
“You have made us believe once again that we are capable of greatness,” dagdag pa ng mambabatas.
Sinabi niya na ang paglahok at tagumpay ng mga atleta sa Paris ay “mga kwento ng tagumpay, tibay, at matinding determinasyon na naitala ng mga atleta sa kasaysayan.”
“The Paris 2024 Olympics have once again brought to light the indomitable spirit of the Filipino people—a spirit that rises above challenges and stands tall on the world stage,” ayon pa kay Speaker Romualdez.
“Your achievements are a testament to what we can accomplish when we dream big, work hard, and never give up. These medals, made from the purest of metals, represent the purity of your dedication, the strength of your resolve, and the weight of the expectations you carried on behalf of more than 110 million Filipinos.”
“Your hard work, dedication, and commitment have brought honor to our nation. Qualifying for the Olympics is already an extraordinary achievement, and you have shown the world the strength and resilience of the Filipino spirit,” dagdag pa ng lider ng Kamara.