Martin Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

SPEAKER ROMUALDEZ MAY INTERGRIDAD — PCFI

January 7, 2025 People's Tonight 97 views

NAGPAHAYAG ng buong suporta at kumpiyansa kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Party-list Coalition Foundation, Inc. (PCFI), na binubuo ng iba’t ibang party-list organization sa Kamara de Representantes.

Sa isang resolusyon, kinilala ng koalisyon na pinamumunuan ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ang chairman ng House appropriations committee, ang malapit na kolaborasyon ng Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Senado sa pag-apruba ng mga pangunahing panukala, at ang naabot na tagumpay sa pagpasa mga panukala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon sa koalisyon, napanatili ng Kamara ang matibay na relasyon nito sa Senado at Executive Branch upang matiyak na agad na maipapasa ang mga panukala na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) upang mapaganda ang pagseserbisyo ng gobyerno sa publiko.

“Speaker Romualdez’s leadership has been characterized by integrity, innovation, and a steadfast commitment to transformative legislation, earning commendations from his peers and the public, and reinforcing the House’s role as a pillar of democracy,” sabi ng koalisyon.

Sinabi ng grupo na ang Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, ay nakapagtala ng bagong rekord ngayong 19th Congress.

Umabot sa 13,454 panukala ang naihain, 1,368 sa mga ito ang naaprubahan at 166 ang naging Republic Act (RA) — 73 ang nasyunal na batas at 93 ang lokal na batas. Ito umano ay nagtataas sa pamantayan ng pagiging produktibo ng Kamara sa pagseserbisyo sa publiko.

Ayon pa sa koalisyon, ang kapulungan ay nagpakita ng natatanging pagkakaisa sa pagproseso ng average na 12 panukala kada sesyon sa loob ng 178 session days, na repleksyon umano ng sama-samang pagnanais na matugunan ang pangangailangan at mithiin ng mga Pilipino.

Kinilala rin ng Party-list Coalition ang mga imbestigasyong isinagawa ng Kamara na isang pagganap sa kanilang oversight power.

“The House has shown resolute determination in seeking justice for the victims of extrajudicial killings (EJKs) associated with the illegal drug war, initiating comprehensive investigations to hold accountable those responsible and to dismantle the networks perpetuating such injustices,” sabi nito.

Binuo umano ng Kamara ang quad committee upang silipin ang kaugnayan ng mga Philippine offshore gaming operations, extrajudicial killings, kalakalan ng iligal na droga at Chinese syndicates, na pagpapakita ng pagnanais ng Mababang Kapulungan na mapangalagaan ang karapatang pantao at pangingibabaw ng batas.

“Under Speaker Romualdez’s leadership, the House has passed significant legislation aimed at criminalizing extrajudicial killings and banning offshore gaming hubs, reflecting a proactive stance against human rights violations and illegal activities,” sabi pa nito.

Ayon pa sa koalisyon, ang kanilang mga miyembro ay saksi at aktibong kasama ni Speaker Romualdez sa pagtupad sa adhikain nito.

“Now therefore, be it resolved, as it is hereby resolved, that members of the Party-List Coalition Foundation, Inc. hereby express their unwavering support and full confidence in the leadership of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, acknowledging his pivotal role in steering the House towards unprecedented legislative achievements, fostering unity among its members, and upholding human rights and social justice in the Philippines,” sabi pa ng resolusyon.

Sinabi ng grupo na suportado nito si Speaker Romualdez, ang Senado at ang Office of the President sa pagpapatuloy ng mga hakbang patungo sa legislative excellence at pag-unlad ng bansa.

AUTHOR PROFILE