Martin3

Speaker Romualdez kinondena paglalagay sa panganib ng 2 Chinese jet fighter sa eruplano ng PAF

August 12, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 121 views

KINONDENA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglalagay sa panganib ng dalawang Chinese fighter jets sa eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na nagsasagawa ng routine patrol sa Bajo de Masinloc na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

“This latest aggressive action of China does not promote peace and stability in the West Philippine Sea and in the region. It does not speak well of a country trying to be a world power and leader,” sabi ni Speaker Romualdez.

Iginiit ni Speaker Romualdez na hindi mareresolba ng matiwasay ang hindi pagkakaintindihan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng agresyon, pangha-harass at pambu-bully.

Nagpahayag din ng suporta ang lider ng Kamara kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na tutukuran ng Pilipinas ang mga tauhan ng PAF na matapang na hinarap ang panganib na dala ng China.

“We support our personnel and we thank them for their courage, bravery and patriotism for protecting our national territory and sovereignty,” saad ni Speaker Romualdez.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, nagsagawa ng mapanganib na maniobra ang dalawang Chinese fighters at nagpakawala ng mga flares sa daraanan ng eroplano ng PAF na naglagay sa panganib sa sakay nitong mga crew.

Ligtas namang nakabalik ang eroplano sa Clark Air Base sa Pampanga.

Kasunod ng insidente, sinabi ng China na dapat tumigil ang Pilipinas sa panghihimasok at ipinipilit na mayroon silang“indisputable sovereignty” sa Bajo de Masinloc at kalapit na katubigan

Ibinasura naman ito ni Speaker Romualdez at iginiit na walang legal na basehan ang China sa kanilang pag-angkin sa lugar.

“They should not insist on this baseless claim. It is against the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), to which both the Philippines and China are signatories,” wika niya.

Giit pa ng lider ng Kamara, may karapatan ang Pilipinas sa 200-mile exclusive economic zone salig sa UNCLOS.

“Bajo de Masinloc is 120 nautical miles from Luzon and is clearly within our EEZ, while it is 594 nautical miles from China’s Hainan Island,” dagdag niya.

AUTHOR PROFILE