Martin

Speaker Romualdez kay Teves: Umuwi ka

March 26, 2023 People's Tonight 227 views

Dito natin pag-usapan kahilingan mo

UMUWI ka muna bago natin pag-usapan mga request mo.”

Ito ang mensahe ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Negros Oriental Cong. Arnulfo Teves na patuloy pa ring nananatili sa ibang bansa.

Ayon kay Speaker Romualdez, hindi dapat idaan ni Teves sa social media ang kanyang kahilingan.

“Bakit hindi niya sabihin ang gusto nya sa harap ko at sa harap ng mga kasamahan nya sa Kongreso? Bakit kailangan sa social media nya pinadadaan?” aniya.

“Just come home. After all, may kasabihan that the truth will set you free kung inosente ka,” aniya pa.

Sa ngayon ay suspendido na dalawang buwan si Teves dahil sa patuloy na pananatili sa ibang bansa at tumangging umuwi bagamat natapos na ang travel authority nito noon pang Pebrero.

AUTHOR PROFILE