Martin

Speaker Romualdez: Kamara handang tulungan mga distritong tataman ni ‘Pepito’

November 17, 2024 People's Tonight 130 views

NAKAHANDANG maglabas muli ng pondo ang House of Representatives para sa mga lugar o distrito na nasasakupan ng mga miyembro nito na tinamaan ng Bagyong Pepito.

“Inaantay lang namin ang report ng aming mga miyembro at kung magkano ang pinasala sa kani-kanilang mga lugar para makapagpalabas ng pondo para sa mga biktima ng dumaang bagyo,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“Of course yung pondo na ibibigay natin ay para doon sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay at siyempre yung para sa pangkain ng mga pamilya dahil maaring nawalan sila ng hanapbuhay dahil sa bagyo,” paliwanag ni Romualdez.

Inaasahan na ngayong araw ng Lunes ay magsusumite na ang mga miyembro ng Kongreso na ang mga lugar ay dinaanan ng Bagyong Pepito ng kanilang mga request for financial assistance para sa mga constituents nila.

Aniya, “We always anticipate na after every calamity may mga nangangailangan talaga ng tulong kaya nakahanda naman tayo para sa mga ganitong sitwasyon”. Ayon sa mga naunang balita, lubos na apektado ang Bicol region kung saan pumasok ang Bagyong Pepito noong weekend at nagdulot ng pinasala na naman doon.

AUTHOR PROFILE