EBET Sinasaksihan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senate President Chiz Escudero, Senator Joel Villanueva and Baguio Lone District Rep. Mark Go ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Enterprise Based Education and Training Act law sa Ceremonial Hall sa Malacañang Palace Huwebes ng umaga.

Speaker Romualdez: EBET law makakatulong mabawasan Pinoy na walang trabaho

November 8, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 270 views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa EBET (Enterprise-based Education and Training) Law.

“The enactment of the EBET bill will allow the government, with the collaboration of the private sector, to keep the number of jobless Filipinos down through various training and up-skilling programs,” ani Speaker Romualdez, lider ng mahigit 300 kinatawan ng Kamara de Representantes.

Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng Kamara sa pagsaksi sa paglagda ni Pangulong Marcos sa panukala upang maging batas EBET Law sa Malacanang noong Huwebes.

Ayon sa lider ng Kamara makatutulong ang bagong batas upang mabawasan ang bilang ng walang trabaho sa bansa.

Nauna rito, iniulat ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang unemployment rate ng bansa sa 3.7 porsyento noong Setyembre mula sa 4 porsyento noong Agosto at 4.5 porsyento noong Setyembre 2023.

“As I have always declared, as in inflation, the continuing challenge for us is to ensure that joblessness remains at the lowest level possible. The EBET Law will help us accomplish this task,” ani Speaker Romualdez.

Makatutulong umano ang bagong batas upang matugunan ni job-skills mismatch at ang kawalan ng kakayanan ng mga manggagawa na kailangan ng iba’t ibang industriya.

“We are hopeful that the law could effectively address these issues so we can prepare our workers for the demands of the local and foreign market, and assist them in finding new or additional employment so they can help their families,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Sa ilalim ng EBET law, ang mga manggagawa na maaaring pumasok sa EBET program ay ang mga bagong pasok sa labor force at ang mga nais na sumailalim sa pagsasanay para makakuha ng bagong kakayanan o matuto sa pagnenegosyo.

Ang isang trainee sa ilalim ng EBET program ay makatatanggap ng training allowance mula sa kanyang kompanya. Ang oras ng pagsasanay ay hindi dapat lumagpas ng walong oras kada araw.

Ang halaga ng training allowance ay hindi dapat mas mababa sa 75 porsyento ng minimum wage rate sa lugar.

Ang mga EBET trainee ay maaari ring humingi ng tulong pinansyal sa ilalim ng “Tulong Trabaho Fund” alinsunod sa Republic Act No. 11230 o ang “Tulong Trabaho Law.”

AUTHOR PROFILE