Tulfo Pormal nang naghain ng kanyang Certificate Of Candidacy si ACTS CIS Congressman Erwin Tulfo bilang kandidato sa pagka-senador sa ilalim ng Lakas CMD. Kasabay nito nagpasalamat si Rep.Erwin Tulfo kay Pangulong Ferdinad Marcos at House Speaker Martin Romualdez sa tiwalang ibinigay sa kanya. Kasama ni Tulfo ang ACTS CIS Partylist bilang suporta sa pag file nito sa Manila Hotel. Mga kuha ni JON-JON C. REYES

Speaker Romualdez: DML Tulfo malaking asset sa Lakas-CMD, PH

October 6, 2024 People's Tonight 108 views

Tulfo1NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kakayanan ni Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo sa pagtaguyod sa kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino.

Si Speaker Romualdez ang nangasiwa sa panunumpa ni Tulfo bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) noong Biyernes.

“Rep. Erwin Tulfo is a tremendous asset to both our party and the nation, embodying not only seasoned public service but also courage and integrity,” ani Speaker Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD.

Si Tulfo ang ika-112 miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara de Representantes ngayong 19th Congres. Siya ay dating journalist at kalihim ng Department of Social Welfare and Development, na nakilala sa kanyang walang takot na pagseserbisyo sa publiko at walang humpay na dedikasyon sa pagtaguyod sa kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino.

Siya ay kasalukuyang nangunguna sa mga survey kaugnay ng May 2025 senatorial election.

“Cong. Erwin’s track record speaks for itself, and we are honored to welcome him into Lakas-CMD. His fearless advocacy for the underprivileged and commitment to improving the lives of ordinary Filipinos make him a perfect fit for our mission of nation-building,” sabi ni Speaker Romualdez.

Nagpahayag din ng kumpiyansa si Speaker Romualdez na ang pagpasok ni Tulfo sa partido ay magdadala ng bagong enerhiya sa panahon na mahalaga ang pamamahala.

“As the newest member of Lakas-CMD in the House, Cong. Erwin strengthens our commitment to public service. His no-nonsense approach is exactly what we need as we push for reforms and transparent governance,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Ang pagpasok ni Tulfo, ayon sa lider ng Kamara, ay inaasahan din na magpapalakas sa pagsulong ng mga panukalang batas na magdadala ng kinakailangang pagbabago sa lipunan at sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga Pilipino.

“With Cong. Erwin on board, we are even more determined in our quest for meaningful change. His experience, leadership, and dedication to public welfare will be invaluable not just to Lakas-CMD but to the entire nation,” punto ni Speaker Romualdez.

“His voice will play a crucial role in advancing our legislative agenda, and we are confident that his influence will help uplift the lives of every Filipino,” dagdag pa nito.

AUTHOR PROFILE