Speaker: Marcos admin tama ang direksyon
Indikasyon ng WB forecast
PINURI nitong Huwebes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pinakahuling forecast ng World Bank (WB) na nagsasabi na mas malaki ang iuunlad ng ekonomiya ng Pilipinas kaysa sa inaasahan ngayong taon.
Ayon kay Speaker Romualdez ang pahayag na ito ng WB ay indikasyon na tama ang direksyon ng Marcos administration.
“This upgraded forecast reinforces the positive trajectory of the Philippine economy and demonstrates that we are on the right track towards recovery and progress. It is a testament to the resilience of our people, the dynamism of our businesses, and the stability of our economic fundamentals,” ani Speaker Romualdez.
Ayon sa WB, ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay inaasahang lalagong ng 6.0 porsyento ngayong taon, mas mataas sa forecast na 5.4 porsyento noong Disyembre at 5.6 porsyento noong Abril.
“The comprehensive and inclusive economic agenda of the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr., as well as the collaborative efforts between the Executive and Legislative branches, have proven fruitful in fostering an environment conducive to growth,” dagdag pa ni Romualdez.
Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang pagtutulungan ng mga economic manager, mambabatas, at lahat ng stakeholder na nag-ambag para sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Muli ring iginiit ni Speaker Romualdez na mananatiling nakatuon ang atensyon ng Kamara sa mga panukala na makatutulong para magpatuloy ang pag-unlad ng ekonomiya at mapaangat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.
“As the House amply demonstrated, we remain committed to implementing policies that will further stimulate economic activity, attract investments, and generate employment opportunities for our fellow Filipinos,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
“We will not allow any distraction to derail our efforts at finding appropriate and timely solutions to the problems affecting the lives of our people,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Bago ang sine die adjournment, natapos na ang Kamara ang 33 sa 42 panukalang batas na hiniling ng Marcos administration na bigyang prayoridad na maipasa.
Sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez ay naiproseso rin ng Kamara ang 9,600 panukala na kinabibilangan ng 8,490 panukalang batas, 1,109 resolusyon, at isang petisyon.