Miguel

Sparkle GMA Artist Center, all set sa biggest Fans’ Day

November 12, 2022 Ian F. Fariñas 412 views

Tuluy-tuloy ang sorpresa na hatid ng Sparkle GMA Artist Center para sa lahat ng mga Kapuso.

Matapos ang first-ever Halloween event na #TheSparkleSpell last month, kasado na rin ang biggest fans’ day para sa lahat ng kanilang fans and supporters.

Sa Instagram page ng Sparkle ay inanunsyo na ang “Sparkle Fans’ Day: Isang Pasasalamat” event na gaganapin sa November 20 sa SM Skydome.

Present sa star-studded event ang mga paboritong Sparkle star na maghahandog ng iba’t ibang performances at surprises sa kanilang mga tagahanga.

Ikinagulat nga ng kanilang supporters ang magkakasunod na big events ng Sparkle, “Kaka Halloween Sparkle Spell lang may Grand fans Day pa? Wow dami ganap ng GMA!! Kayo naaa!!”

Todo-abang naman ang fans at netizens kung sinu-sino sa kanilang favorite Kapuso stars ang makakasama nila, “Excited sa Ysaguel” comment ng isang diehard fan nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

Hindi rin nagpatalo ang team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay na looking forward na maka-bond ang kanilang mga idolo, “TEAM JOLLY PAKILIGIN NIYO KAMI LALO SA LIVE PLEASE!!!!!!!!!!!!!” anila.

AUTHOR PROFILE