SP Chiz: 72 batas naipasa ng Senado, nalagdaan ni PBBM
PRAYORIDAD ang mahahalagang batas na mapapakinabangan ng taumbayan.
Ito ang mariin na pahayag ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero kung saan ay ipinagmalaki niyang sumampa sa may kabuuang 72 batas na naipasa sa Senado at nalagdaan na ng Pangulong Ferdinand Marcos jr.
“We maximized each session day and leveraged every hour, minute and second on the Senate floor. We passed 108 bills in total. Of these, 72 reached the President’s desk and were signed into law, including 11 LEDAC priority measures,” ani Escudero.
Ipinaliwanag din ni SP Escudero na marami sa mga batas na ito ay resulta ng mga pagdinig na isinagawa ng iba’t ibang komite ng Senado bilang bahagi ng kanilang tungkuling magbalangkas ng mga kapaki-pakinabang na batas.
“Our hearings, probes and exposés did not merely serve dinner-table gossip for the people’s entertainment. These brought to the table a bounty of bills that will fill plates, sustain families and nourish Filipinos for generations to come,” dagdag pa niya.
Pinuri ni Escudero ang kanyang mga kasamahan sa Senado at ang kanilang mga kawani para sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at pagsisikap. “Nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa ngalan hindi lamang ng ibang empleyado’t senador, kundi sa ngalan ng sambayanan. Alam ko po na marami tayong oras na ginugol at trabahong nagawa para at alang-alang sa ating bansa at mga kababayan. At sana po ito’y hindi makalimutan ng ating mga kababayan,” ani Escudero.
Dagdag pa niya, “Indeed, in the past year we weathered typhoons, braved stormy public opinion and navigated choppy political waters. We overcame these challenges because our 23 senators, strengthened by diversity, sharing a common vision and united in purpose, are more than the sum of its parts.”
Simula noong Hulyo 23, 2024, hanggang Disyembre 18, 2024, naitala ng Senado ang pagpasa ng 72 batas, na siyang pinakamataas sa ika-19 na Kongreso.
Sa unang regular na sesyon (Hulyo 25, 2022–Hunyo 2, 2024), 19 na batas ang naipasa, kabilang na ang mga panukalang batas na inaprubahan sa huling bahagi ng ika-18 na Kongreso. Sa ikalawang regular na sesyon (Hulyo 24, 2023–Mayo 24, 2024), 54 na batas ang naipasa, habang lima ang na-veto ng Pangulo.
Sa kasalukuyang sesyon na pinamumunuan ni Escudero, umabot sa 108 panukalang batas ang naaprubahan sa ikatlong pagbasa, higit sa pitong beses ang pinagsamang bilang ng 14 na panukalang batas mula sa unang dalawang sesyon.
Sa mga naaprubahang panukala, 44 ang naipadala na sa Pangulo para sa kanyang paglagda, kabilang ang 2025 General Appropriations Bill, habang pito ang nakabinbin pa sa bicameral conference committee.
Bukod dito, 106 simple resolutions at siyam na concurrent resolutions ang naipasa sa unang kalahati ng ikatlong regular na sesyon.
“We did not sacrifice quality for quantity, scrutiny for speed nor consensus for expedience in passing these measures. Each bill underwent the crucible of deliberation and debate, carving out the extraneous, the excessive and the unconstitutional,” ani Escudero, na binigyang-diin ang kahalagahan ng maingat na pagsusuri upang maiwasan ang veto mula sa Pangulo.
Nangako si Escudero na uunahin ang pagpasa ng mga nakabinbing panukalang batas pagbalik ng sesyon sa Enero, kahit na hamon ang pagsisimula ng kampanya para sa eleksyon sa 2025 at ang pagtatapos ng ika-19 na Kongreso sa Hunyo 14, 2025.
“The Senate will make the most out of its remaining session days to continue giving the people the public service that it deserves,” dagdag niya.