mission

South Korean action-comedy hit, mapapanood sa Vivamax

June 3, 2021 Ian F. Fariñas 193 views

Inahahandog ng Viva International Pictures at MVP Entertainment sina Lee Sun-bin at Kim Young-kwang sa hit na action-comedy South Korean movie ng 2021, ang Mission: Possible.

Sa direksyon ni Kim Hyung-joo at base sa Mission: Impossible series ni Bruce Geller, ang Mission: Possible ay tungkol sa isang rookie Secret Agent na si Da-hee (Lee Sun-bin), na inatasan mag-imbestiga ng kaso ng gun smuggling sa South Korea.

Makikilala niya si Su-han (Kim Young-kwang), na dapat ay tutulong sa kanya sa pag-iimbestiga ng kaso.

Pero dahil kulang sya sa galing, palagi silang nagtatalo sa maliliit na bagay.

Ngunit nang biglang pinatay ang kanilang mga witness sa kaso, bigla silang naging mga suspek.

Kaya naman kailangan nilang magtulungan para mapatunayan na wala silang kasalanan, at para mailantad ang katotohanan sa likod ng kaso.

Unang lumabas ang Mission: Possible sa South Korea noong February 2021, at nanatili ito sa No. 1 Box Office spot ng isang linggo.

Ngayon ay nasa 5th place sila sa lahat ng mga pelikulang lumabas ngayong 2021 matapos tumabo sa takilya ng US$3.64 million at 446,135 na admissions.

Abangan sa June 10 ang premiere ng Mission: Possible sa ktx.ph at iWantTFC, sa halagang P250 at sa Vivamax (web.vivamax.net).

Maaari ring i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada.

AUTHOR PROFILE