Default Thumbnail

Solon nagpasalamat kay Speaker Romualdez, Tingog party list

July 9, 2023 People's Tonight 126 views

NAGPASALAMAT si Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores sa tulong na ipinaabot ni Speaker Ferdinand Martin R. Romualdez at Tingog party-list sa matagumpay na community pantry para sa mga biktima ng baha sa kanyang lugar.

Ayon kay Flores sinimulan ang community pantry sa Barangay Managok noong Sabado, Hulyo 8.

“This is the hardly-hit barangay during the flooding,” sabi ni Flores.

“On behalf of my constituents, I give my heartfelt thanks to House Speaker Martin Romualdez, his wife Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez and Tingog Party-list Rep. Jude Acidre for their assistance that made this community pantry possible. We will not forget your compassion.”

Sinabi ni Flores na binili ang mga ipinamimigay na produkto sa community pantry sa mga lokal na magsasaka. Nagpasalalamat din ang mambabatas sa agriculturist ng lungsod na siyang nagbigay-daan upang mabili ang produkto ng mga magsasaka.

Namimigay ang community pantry ng mga itlog, gulay at bigas na nakalagay sa eco bag.

Nauna nang namigay ang tanggapan ni Flores ng mga relief goods.

Nauna rito, nagsama-sama ang mga tanggapan ni Speaker Romualdez at Reps. Romualdez at Acidre para makapagbigay ng calamity assistance sa mga pamilyang naaapektuhan ng pagbaha sa distrito ni Flores.

Nakalikom ng P11 milyon ang dalawang mambabatas na binubuo ng P500,000 cash assistance, P500,000 relief goods at P10 milyong cash aid mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD).

Ginamit ang P500,000 cash aid na natanggap ni Flores sa pagtatayo ng community pantry.

Ganito rin ang ginawa ni Albay 3rd district Rep. Fernando Cabredo sa tulong na kanyang natanggap mula sa tanggapan ni Speaker Romualdez at ng Tingog.

AUTHOR PROFILE