Calida Solicitor General Jose Calida

Solicitor General hindi sang-ayon sa Comelec

March 2, 2022 People's Tonight 476 views

TulfoHINDI lubos maisip ng marami nating kababayan kung bakit kinuha ng Commission on Elections ang isang online news website bilang “election watchdog” o tagamasid at magpakalat ng impormasyon sa darating na halalan.

Ayon sa Comelec, kinuha nila ang serbisyo ng Rappler dahil nais daw ng ahensya ng isang “honest, clean, and orderly elections” sa Mayo.

Ngunit marami ang pumalag kabilang ang National Press Club (NPC) sa kasunduan.

Ayon sa NPC, maraming media organization pa naman na mas malawak na lugar ang nararating, nababasa at napapanood kaysa sa Rappler na sa online lang nababasa.

Hirit naman ng ilang indibidwal, pro-Leni at anti-Marcos ang Rappler kaya papaanong raw nakakasiguro ang Comelec na magiging patas ito sa halalan kung may kinakatigan itong kandidato.

Pero sagot ng Comelec, 2013 pa daw nilang katuwang ang Rappler sa eleksyon.

Asus naman, pilit pa kayong magpalusot Comelec!!!

Noong 2013 elections kasi wala namang Robredo o Marcos na tumakbo sa mataas na posisyon kaya walang silang kinatigan. Iba itong darating na halalan ngayon dahil tiyak may kakatigan itong ‘pinklawan’ na Rappler.

Mabuti na lang at nakialam na si Solicitor General Jose Calida noong Martes.

Ipinababasura ng Solgen ang memorandum of agreement ng Comelec at Rappler.

Ani Calida, papaano raw magiging source ng impormasyon ang Rapplee sa halalan kung may bahid ito ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon.

Naniniwala siya na kapag pinilit ng Comelec ang kasunduan sa Rappler, masisira ang integridad at kredibilidad ng darating na halalan.

Marami ang sumang-ayon at natuwa sa utos ni Calida sa Comelec.

Malinaw pa sa sikat ng araw na kapag ang Rappler ang katuwang ng comelec ngayong 2022 elections ….

Tiyak na balik sa kapangyarihan na naman ang mga dilawan na nagpapanggap na mga “pink” kuno ngayon kasama ang mga oligarko ng bansa. Ni Erwin Tulfo

AUTHOR PROFILE