Sofronio

Sofronio pinayuhang alagaan ang kalusugan

January 20, 2025 Eugene E. Asis 93 views

NASA Pilipinas pa ang “The Voice USA” grand champion na si Sofronio Vasquez.

Katatapos lamang niyang mag-perform sa kanyang kauna-unahang major concert na ginanap sa Cebu kasabay ng Sinulog Festival doon sa Waterfront Hotel and Casino.

Bidang-bida ang Filipino pride sa kanyang pag-uwi ng Pilipinas, mula sa kanyang guesting sa ‘It’s Showtime’ kung saan siya nagsimula, gayundin sa pagdalaw niya sa Malacanang bilang pagpupugay sa kanya ng Unang Pamilya, Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., Unang Ginang Liza Marcos at mga anak nila.

Marami ring vlog hosts ang pinilit siyang mainterbyu (kahit na hindi naman siya pinapansin noong dati) tulad nina Toni Gonzaga at Karen Davila.

Pagkatapos sa Cebu, kung saan full house ang kanyang first major concert (na ang isa na nasa audience ay ang kanyang proud mama Aida), marami pa ring imbitasyon sa kanya para mag-perform (tulad sa Cebu City Sports Complex) pero hindi natuloy dahil sa mga nauna nang commitments, sinusulit ni Sofronio ang kanyang unang pagbabalik sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang makasaysayang panalo sa The Voice USA. Magkakaroon pa siya ng pagdalaw sa Senado upang bigyan din ng parangal (hindi para imbestigahan, ha?).

Pero dahil dito, marami rin sa kanyang fans ang nag-aalala na baka he’s spreading himself too tyhin, wika nga. Sabi nga sa kanya sa Facebook ng isang tagahanga na nagngangalang Teotima Tolentino Maniquiz:

‘Sofronio, you made Cebu concert attendees yest, Jan 18, 2025 happy or happier as they watched your amazing performance, they’re very lucky to see you in person.You made your Mama Aida much happier by watching your performance in your first solo concert. A reminder to rest bit longer today coz you have a guesting appearance tom in the Senate. Take care of your health coz HEALTH is WEALTH.”

At in-acknowledge naman ito ni Sofronio.

Talaga namang dapat din niyang pag-ingatan ang kanyang kalusugan.

May mga nagtatanong din kung paano naman niya pinangangalagaan ang mga suwerteng dumarating sa kanya. Una, ang napanalunan niyang cash prize sa The Voice USA na nagkakahalaga ng $100,000 o P5.9 million.

Siyempre pa, may mga dumating pang biyaya pagkatapos nito, na sigurado namang nabiyayaan din ang kanyang pamilya.

Pero may mga sarili ring hakbang si Sofronio upang maalagaan ang mga swerteng ito. Ayon sa kanya sa interview ni Karen Davila sa Youtube channel ng lady broadcaster: “Gagamitin ko ‘yung pera na ‘yun of course as investment du’n sa music. Kasi music talaga eh, and now I was given the chance to penetrate the mainstream which is America, gagamitin ko talaga ‘yun.

“Kumbaga if I have to produce myself, if I have to reach out to people, big names, always naman akong ganun, kumbaga, a no is a no, and a yes is a yes.

“So try lang ako. Kung makatanggap ako ng no, then move on to another.”

Bukod sa naturang cash prize, magkakaroon din siya ng kontrata sa isang record label sa US, “Meron din po ako talagang automatic na recording label dun sa Republic Records” aniya.

Dumating na talaga ang tamang panahon para kay Sofronio. “When I look back nu’ng nakikita ko ‘yung mga kakilala ko na naging champion, sinasabi ko rin na champion na sila. Sana, ako rin maging champion and ngayon pala ‘yung moment na binigay sa akin na maging champion na ako,” sabi pa ng mahusay na singer.

AUTHOR PROFILE