Sofronio

Sofronio, dalawang linggo tatagal sa ’Pinas

January 5, 2025 Vinia Vivar 76 views

Matapos ang ilang taong pananatili sa US, balik-’Pinas na ang “The Voice US Season 26” grand winner na si Sofronio Vasquez.

Dumating siya kahapon ng umaga (January 5) at sinalubong siya ng kanyang inang si Aida Vasquez.

Ayon sa report ng ABS-CBN, masayang-masayang si Sofronio sa pagdating sa bansa.

“Sa eroplano pa lang gusto ko nang tumalon, eh. Very excited to be with the people who root for me. I get to be back and just as excited kung ano ang mangyayari,” sey ng singer sa panayam ni MJ Felipe.

Dalawang linggong mananatili sa ’Pinas si Sofronio at kabilang nga sa itinerary niya ang TV guestings, gayundin ang kanyang first live performance sa Sinulog Festival sa Cebu.

“I needed to finish all the press tours, commitments and initial conversations with the record label and hopefully after nito, roll na, work, work, work na ulit,” aniya.

“Fourteen to 15 days, technically, two weeks. Meron akong event sa Cebu for the Sinulog, first big event, first live event after the competition so sobrang excited ako,” dagdag pa ng grand champion.

At siyempre, kasama rin sa itinerary niya ang pagpunta sa “It’s Showtime” ngayong Lunes, January 6.

“As promised, I will be in my home,” aniya.

Matatandaang dating naging contestant si Sofronio sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime.”

Pagkatapos niyang manalo sa “The Voice US” ay nakausap niya ang mga host ng show at nangako siya na ang unang programang bibisitahin niya ‘pag umuwi siya ay ang nasabing Kapamilya noontime show.

AUTHOR PROFILE