’Sofia undress’
MAY pakulo ang netizens sa pangalan ng model-actress na si Sofia Andres.
Sa isa niyang Instagram post, tinawag nilang “Sofia undress” ang celebrity mom dahil sa patikim nitong kaseksihan.
“Back to where I belong,” caption ni Sofia mula sa mga larawan habang nasa dagat ang aktres.
Sa isang larawan makikitang lumaylay ang suot niya dahilan para mamintana ang walang kasing kinis niyang balikat at dumungaw na cleavage.
Ibang level nga ang pasilip na ito ni Sofia. Lahat ng kanyang male fans nanlaki ang mata sa malusog niyang sex appeal. Mukhang hindi na naman nila mapipigilan na i-zoom in ang larawan ng bebot.
Walang dalang umay ang karisma ni Sofia kahit may anak na siya, kaya nga ang mga netizens napa-wow sa kanyang pasabog na pictures.
Binulabog ng kanyang followers ang comment section at pinaulanan nila ng puso ang post ng aktres.
“More of this please,” hirit pa ng isang IG user.