Sofia pinapayagan nang makipag-date kay Allen
NGAYONG 18 na si Prinsesa ng City Jail star Sofia Pablo, marami na siyang pwedeng gawin na hindi niya nagagawa noon. Kabilang na rito ay ang paglabas nila ng ka-love team na si Allen Ansay.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules (December 18), ibinahagi ni Sofia na pwede na siya ngayon matutong mag-drive, na matagal na niya umano gustong gawin, at lumabas kasama ang mga kaibigan.
“Kasi dati po ‘pag lumalabas po ako, kailangan isa po sa kanila kasama ko or tita ko. Ayaw nila akong hayaan mag-isa. Pero nu’ng nag-18 ako, sinabi nilang ‘Gusto mong lumabas with your friends, go with your friends.’ Pero siyempre nagpapaalam pa rin po ako,” pahayag ng young actress.
Dahil dito, natanong ni King of Talk Boy Abunda kung maaari na ba siyang lumabas kasama si Allen ng sila lang. Sagot ng Sparkle actress, “Opo, pinapayagan na kami ni mommy. Nakakapag-movie po kami.”
Kuwento ni Sofia ay sobrang hilig niya sa movies, isang bagay na hindi umano na-e-enjoy ng kaniya mommy at sa halip ay nakakatulog ito.
“Ta’s one time sabi niya, ‘O sige, manood kayo ni Allen.’ sabi ko, ‘Ha? Totoo ba ‘yung naririnig ko? Kami ni Allen?’ sabi niya, ‘Yeah. 18 ka na, pwede na, pero you know your limits,’” pag-alala ni Sofia.
Sinabihan din ni Boy si Sofia na kumpletuhin ang pangungusap na, “Ngayong 18 na ako, sasagutin ko na si…”
“Si Allen,” natatawang sagot ni Sofia.
Bukod sa Prinsesa ng City Jail na pagbibidahan nila ni Allen, bibida rin si Sofia sa Metro Manila Film Fest entry na Green Bones. Dito ay makakasama niya sina Dennis Trillo, Ruru Madrid, Alessandra de Rossi, at marami pang iba.
GMA7 may mga bagong singers, wagi ng P1M at house and lot
MAY dalawang bagong Kapuso singers agad ang GMA-7 dahil sa back-to-back finals ng The Clash at The Voice Kids PH noong nakaraang weekend.
Ang Soulful Gen Z ng Las Piñas na si Naya Ambi ang hinirang na grand champion ng The Clash 2024. Naging winning song niya ay “I’ll Be There” ni Mariah Carey. Kinabog niya sa finale si Chloe Redondo ng Laguna.
Si Nevin Adam Garceniego ng Quezon City ang magwagi sa The Voice Kids. Si Nevin ay galing sa team ni SB19 Pablo na Tropa Ni Pablo.
Naging winning song ni Nevin ay “May Bukas Pa” ni Rico J. Puno. Tinalo niya ang mga kalaban na sina Mark Anthony “Makmak” Punay, Jan Hebron Ecal, at Wincess Jem Yana.
Bilang champions, nakatanggap sina Nami at Nevin ng tig-one million pesos in cash, recording and management contract at brand new house and lot from Vistaland.
Ang pinakamagandang nangyari kay Sanya ngayong 2024
SA panayam ng isang magazine kay Sanya Lopez, ibinahagi ng aktres na ang GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw ang pinakamagandang nangyari sa kanya sa taong 2024.
“Siyempre, Pulang Araw, mas na-challenge ako. It’s about World War II, it’s about comfort women. Ito lang ‘yung way that I could do para maikuwento natin kung ano ang istorya ng mga comfort women,” lahad ni Sanya.
Kung makikipagpalit naman daw siya ng buhay, pipiliin niya ang mga nakatrabaho niya sa serye.
“My director or sa production [team] para mas ma-feel at makapag-give back sa kanila kasi nakita ko kung gaano sila ka-dedicated,” papuri niya sa mga ito.
Ibinahagi rin ni Sanya na looking forward siya sa parating na Pasko dahil ito ang paborito niyang holiday.
“Doon lang kami may chance na magkakasama ng family ko, friends ko, loved ones,” saad ng aktres.
Mga bida ng ‘Mga Batang Riles’ pinuri ni Diana
NAKATANGGAP ng mga papuri ang limang bida ng inaabangang GMA Prime series na Mga Batang Riles na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon sa batikang aktres na si Diana Zubiri.
Ginagampanan ni Diana si Maying, ang ina ni Kidlat na ginagampanan naman ni Miguel.
“Magalang ‘yung bata, may disiplina siya, at tsaka nakita mo trained kasi nga bata pa lang siya, artista na siya, trained na siya, professional.
Okay na okay ‘yung tandem namin bilang mag-ina,” papuri ni Diana kay Miguel.
“Talagang nagri-reach out din siya sa akin, nagbibigay ng effort pagdating sa pag-arte.”
Saksi rin si Diana sa pagpupursigi ng apat pang Mga Batang Riles na sina Kulot, Sig, Matos, at Dags na ginagampanan nina Kokoy, Raheel, Bruce, at Antonio.
“Nakikita ko sila mag-rehearse, mag-training, proud ako kasi nakikita ko kung gaano sila kasipag, kung paano nila pinaghahandaan ‘yung mga eksena kaya I’m sure magiging proud rin sa kanila ‘yung mga manonood,” puri ni Diana.
Mapapanood na sa Enero 2025 ang Mga Batang Riles kaya naman hindi na makapaghintay si Diana dahil ito ang magmamarkang pagbabalik niya sa telebisyon matapos ang ilang taon.
“Excited na excited ako kasi kami ang unang show na papasok ngayong bagong taon, kami ang, kumbaga, kami ang opening ng taon na ‘to kayang masayang masaya ako dahil ito ‘yung pagbabalik ko after limang taon,” saad ni Diana.