Sofia Mga larawan mula sa IG/@iamsofiaandres

Sofia Andres pinasilip pinapatayong ‘dream house’

September 26, 2023 People's Tonight 154 views

IPINASILIP ng celebrity mom na si Sofia Andres ang ilang bahagi ng ipinapatayo niyang pangarap na bahay.

Sa kanyang Instagram page nitong Lunes, Setyembre 25, ibinahagi ng aktres ang ilang larawan at video ng kanyang dream house na sa kasalukuyan ay under construction pa rin.

“Turning my simple dreams into reality, my dream house is finally taking shape,” pagbabahagi ni Sofia sa caption ng isa niyang post patungkol sa bahay.

Sa isa pang post, sinabi rin ng celebrity mom kung ano ang style na nais niya para sa ipinapagawang bahay.

“Sleek simplicity meets harmonious fusion, the scandinavian-japandi-style haven,” saad ng aktres.

Sa isa namang Instagram reel, mapapanood sa video ang paglalakad ni Sofia sa iba’t ibang bahagi ng bahay at mapapansing tila nasa 80% na nga ang nagagawa.

“86% loading…” sey ng aktres sa caption ng reel.

Samantala, hindi naman nilinaw ni Sofia kung kailan talaga matatapos ang kanyang dream house.

Matatandaang unang nai-post ni Sofia ang balitang pagpapatayo ng bahay noong Oktubre ng nakaraang taon sa isa ring Instagram post kung saan sa Lipa City, Batangas ang magiging lokasyon.

“Thank Lord God for always keeping me on the right track & for guiding me every step of the way. Thank you @spaceliftmnl for making my dreams into reality,” wika ni Sofia sa naturang post.

AUTHOR PROFILE