Lily4

Snooky sa pagkawala ni Mother Lily: I feel like I have lost my parents all over again

August 7, 2024 Vinia Vivar 87 views

Nakiramay sa unang gabi ng lamay ni Mother Lily Monteverde ang isa pang original Regal Baby na si Snooky Serna.

Ayon kay Snooky sa panayam ng ABS-CBN, pakiramdam niya ay nawalan siya ulit ng magulang sa pagpanaw ng Regal matriarch.

“I feel like I have lost my parents all over again. Kasi ako, na-orphan na ako several years ago. Obviously, my mom and dad, nauna si dad, tapos ang mommy ko. And then, now, ganu’n din. A few day apart, nawala si Father (Remy Monteverde, Mother Lily’s husband), tapos, si Mother Lily naman namin ang pumanaw na,” ani Snooky.

Ang lagi raw niyang maaalala kay Mother Lily ay ang pagiging kalog nito at pagka-motherly.

“’Yung panahon ng kabataan ko na medyo I went to depression, tapos ‘yung nagkaroon ako ng burnout, si Mother talaga ‘yung almost everyday, nasa sala namin, nasa sala area,” kwento ng aktres.

Para rin daw talagang isang ina sa kanya ang Regal matriarch at talaga raw laging nakasubaybay sa kanyang mental health.

Tinatanaw din ng utang na loob ni Snooky ang pagbi-build-up na ginawa ng Regal Films producer sa kanyang career.

“How many years ‘yun? I started when I was 14. Natapos ‘yung kontrata ko sa Regal when I was 26 years old. So you can imagine, I’ve spent almost half of my teenage years with Regal Films. So, I will never forget Father Remy Monteverde, and now we are talking about the matriarch, the one and only Mother Lily Monteverde. She’ll never be forgotten,” pahayag ni Snooky.

Huli raw niyang nakita si Mother bago ito pumanaw ay noong nagyaya ito ng lunch kasama si Maricel Soriano at iba pa nitong kaibigang managers.

“It was a very happy occasion,” aniya.

Hindi raw niya alam na may dinaramdam ang Regal matriarch kaya na-shock siya nang malaman niya na nasa ospital si Mother Lily at medyo hindi na maganda ang kalusugan,.

AUTHOR PROFILE