Default Thumbnail

Smuggled meat nasabat sa Pasay

July 21, 2023 Edd Reyes 123 views

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang dalawang mini-mart at isang restaurant na umano’y nagbebenta ng mga ipinuslit na karne Biyernes ng umaga sa Pasay City.

Nakumpiska ng NMIS, katuwang ang mga kinatawan ng Department of Agriculture (DA) at Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Pasay, ang mga smuggled na Peking duck, black chicken, yellow chicken, pigeon at karne ng baboy at baka na tinatayang aabot sa P500,000.

Kabilang sa mga sinalakay ng mga awtoridad ang Fei Chang Fresh Distribution Grocery sa Brgy. 76, Food Penguin Mini-Grocery sa Cartimar at kalapit nitong restaurant na Onn Kee Roast Duck na umano’y pawang pag-aari ng mga dayuhang Chinese, batay sa kanilang business permit.

Sa pahayag ni Dennis Solomon, Inspectorate and Enforcement Division head ng DA, naibebenta ang black chicken ng P500 habang umaabot naman sa P750 ang bentahan ng mga Peking duck at kalapati sa kanilang mga kliyente.

Walang expiration date na nakalagay sa karamihan ng mga nakumpiskang smuggled na karne.

AUTHOR PROFILE